Skip to playerSkip to main content
  • 6 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong March 18, 2026


- UB Explainer: Paano kinukuwenta ang pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo?


- Ilang tricycle drivers, natatapyasan daw ng P200/araw na kita dahil sa mega oil price hike; maagang pumila para sa cash aid | Tricycle Drivers: P5,000 cash aid, malaking tulong pero sana may mas kongkretong solusyon ang gobyerno kaugnay sa mega oil price hike


- Ilang residente at negosyante, problemado dahil sa halos araw-araw na water interruption ng Maynilad | Maynilad, gumagawa raw ng paraan para maibalik sa normal ang supply ng tubig sa ilang barangay


- Mga naghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, tumanggi nang maghain ng tugon sa isinumiteng sagot ng defense team | Rep. Luistro, itinangging nagkaroon ng double standards sa paghawak sa impeachment complaints kina PBBM at VP Duterte | Defense team ni VP Duterte, pinanindigang opinyon at espekulasyon lang ang laman ng impeachment complaints


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Let's go!
00:30At ngayong linggo nga, big time uli ang taas presyo. Ayon sa Department of Energy, mahigit 20 pesos hanggang halos
00:3824 pesos ang dagdag sa kada litro ng diesel. Halos 13 hanggang halos 17 pesos naman ang itinaas sa presyo
00:46ng gasolina, habang halos 7 pesos hanggang halos 9 pesos naman sa kerosene.
00:51Paano nga ba yan kinakwenta mga kapuso? Ano ang basehan at bakit napakalaki ng oil price increases nitong mga nagdaang
01:00linggo?
01:00Sa panayam po ng GMA News Online sa presidente ng isang oil company, nakabatay po ang oil prices sa Mean
01:07of Plots Singapore o MOPS.
01:10Yan ang daily average price assessment ng refined petroleum products tulad ng diesel at gasolina na ikinakalakal sa regional trading
01:19hubs sa Singapore.
01:20Ayon kay Leo Bellias ng Jetty Petroleum, ang formula para sa presyo ng mga produktong petrolyo, ibabawas po ang average
01:28na MOPS mula sa nagdaang linggo sa average ngayong linggo.
01:32Kung ang lumabas na pagkakaiba ay isang positive number, naku, ibig sabihin po niyan, may price hike. Kung negatibo naman,
01:40ay rollback.
01:41Alright? So malaking dahilan na pagsipan ang presyo ng mga produktong petrolyo nitong mga nakaraang linggo, ang gyera sa paggitan
01:48ng Iran at ng Alyansa ng Amerika at Israel.
01:52Kontrolado po ng Iran, ang Strait of Hormuz. So yan, makikita natin dyan.
01:57At kung saan idinadaan ito ang malaking bahagi ng supply ng langis sa buong mundo.
02:04Dyan po yan.
02:05Ngayon, isinara nila ito at ilang tanker ship na ang inatake sa gitna ng guluroon.
02:12Patuloy raw, haharangin ng Iran ang pagdaan doon ng supply ng langis hanggat patuloy din ang pag-atake sa kanila
02:19ng Amerika at Israel.
02:22At habang kakaunti ang supply ng langis sa global market, patuloy natataas ang presyo nito.
02:28Sa kasalukuyan po, mahigit $120 na po ang kada barilesa ng Dubai Crude, ayon sa industry sources.
02:36Bukod dyan, ay nakaapekto rin ang gasto sa pag-transport sa mga oil product o ang freight o shipping cost,
02:42pati na rin ang kompetisyon sa lugar.
02:45So, freight of shipping cost at kompetisyon. Ito rin ang dahilan kung bakit iba-iba ang presyo ng oil products
02:51sa kadalong sod at munisipalidad.
02:54Isa pang tanong, bakit tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustments?
02:59Sabi po ni Energy Secretary Sharon Garin, ito na kasi ang napagkasundoan noon ng Department of Energy at Industry Players.
03:06So, imbis na araw-araw ang pagbabago sa presyo.
03:09Ngayong napakataas ang presyo ng mga produktong petrolyo, patuloy rin ang panawagan ng transport sector,
03:15magiging ng mga motorista sa gobyerno na patuloy na gumawa ng hakbang para masolusyonan o maibsan ang epekto nito.
03:24$200 piso kada araw daw ang natatapyas sa kita ng mga tricycle driver sa Malabon dahil sa mega oil price
03:30hike.
03:31Anila, malaking tulong ang cash aid pero hiling nila ang mas konkretong solusyon mula sa gobyerno.
03:36May una balita live si James Agustin.
03:39James!
03:44Igan, good morning.
03:45Tinatayang mahigit sa 1,800 mga tricycle drivers yung mabibigyan ng ayuda sa ikalawang araw ng pamamahagi niyan dito sa
03:52Malabon City.
03:53Madaling araw pa lamang po kanina ay may pilanan ng mga tricycle drivers na sadyang inagahan daw talaga ipagpunta dito
03:58sa lugar dahil umamasada pa sila.
04:04Alas 13.30 na madaling araw nagtungo sa Malabon Sports Complex Oval ang tricycle driver na si Ron Waldo.
04:09Dala-dala niya ang driver's license at photocopy nito na requirements para makakuha siya ng 5,000 pisong ayuda mula
04:15sa gobyerno.
04:16Ang hinahabol ko kasi namin para po matapos kami ng maaga para makabiyahin rin ho kagad. Kasi may mga service
04:26rin ho kasi ako.
04:26Maaga rin sa pilang kasamahan niya sa Toda na si Danilo. Sa tatlong dekada niyang pamamasada ngayon lang daw niya
04:32naranasan ng sobrang taas na presyo ng gasolina.
04:35Paka nagtagal-tagal, marami na ho ito. Matatagalan na kami sa pamamasada, pabalit na pamamasada namin.
04:45Malaking tulongan nila ang ayuda lalo pat pumalo na sa 86 pesos per liter ang mabibiling gasolina sa lungsot.
04:51Natapya sa nang araw ng hanggang 200 piso ang kita nila kada araw.
04:55Okay naman, medyo kahit papano makaka-recover. Kasi talagang wala nang natitira sa amin. Lalo na ngayon sa sobrang mahal
05:08ng mga bilihin.
05:09Malaking tulong din pero iindain din pagkatapos. Kasi iba niyan, ibabayad mo na. Paano kung magtagal ang krisis na yan?
05:20Wala ka nandudukutin.
05:22Ang iba pumasada na muna para may maagang kita. Si Maricar ipinila pa ang samantala ang kanyang mister.
05:28Malaking bagay niyang ayuda dahil mataas din ang presyo ng iba pang pangunahing bilihin. Dalawang anak pa man din nilang
05:33nag-aaral pa.
05:34Hindi na ho kasi gano'ng kumikita sa pagmumotor kasi marami na kalaban sa kalsada. May e-bike, may e
05:41-trike.
05:42Kaya hindi sila kumikita talaga ng ano ngayon. Kaya napaka-importante kaya nagpapasalamat ako kaya e-press na binigyan mo
05:51ng pagkakataon ng mga driver na magkaroon ng ayuda.
05:55Ayon sa Tricycle Regulatory Unit ng Malabon City Government, tinatayang mahigit siyam na raang tricycle driver ang mabibigyan ng ayuda
06:02mula sa District 1 ngayong umaga.
06:04Mahigit 800 naman mamayang hapon mula sa District 2.
06:06Kahapon na una nang nabigyan ng ayuda ang 748 na tricycle driver sa lungsot.
06:12Sa kabila ng pamahagi ng ayuda, umaasa ang mga driver ng mas konkretong solusyon mula sa gobyerno.
06:17Mas maganda ho yung ibaba nila yung gasolina para, ibig ko sabihin no, umali yung kita namin.
06:25Pinakamaganda ang solusyon, ibalik na lang sa mababa talagang presyo ang gasolina.
06:30Hindi ho kalabisan yung pagtas ho ng pamasahe.
06:40Salamatala, Igan, ito yung sitwasyon dito sa basketball court nitong Malabon City Sports Complex Oval.
06:46Ito po yung mga tricycle drivers na sumailalim na doon sa validation.
06:49Dito po mismo yung payout center.
06:52Kanina, inantabayanan lamang yung mga tauhan ng DSWD mula sa central office at dumating na sila rito
06:56para masimula na yung aktual na pamahagi noong 5,000 pisong cash aid.
07:01Pero mas marami po yung mga tricycle drivers ngayon na nakastandby doon sa tennis court
07:05kung saan yung sinasagawa yung validation sa mga requirements.
07:08Tatagal po yung itong mamahagi ng ayuda hanggang alas 5 ng hapon ngayon
07:12at hanggang sa Huwebes sinatayang nasa 2,900 na mga tricycle drivers yung mabibigyan dito sa Malabon City.
07:19Yan muna ang unang balita. Mala po rito sa Malabon.
07:20Ako po si James Agustin para sa Gym Integrated News.
07:25Problemado ang maraming residente sa ilang barangay sa Muntinlupa
07:28dahil sa halos araw-araw na water interruption.
07:31Live mula sa Muntinlupa, may unang balita si EJ Gomez.
07:34EJ, may nagrarasyon na ba ng tubig sa kanila?
07:41Mariz, nako, hindi nga magkanda o gaga ang mga residente dito.
07:45You know, problema na nga ng marami no, yung mataas na presyo ng petrolyo,
07:49mga nagmahal na mga bilihin at mas mataas na pamasahin ngayon.
07:54Pero dagdag pa sa problemahin ng mga residente dito sa Muntinlupa
07:58ang kawalan naman ng supply ng tubig.
08:06Problemado si Madeline, residente ng barangay Putatan sa Muntinlupa.
08:11Kasama sila sa mga nawalan ng supply ng tubig alas 11 kagabi.
08:14Basis sa abiso ng Maynilat, babalik ang supply alas 2 ng hapon ngayong araw.
08:19Labing limang oras yan na walang tubig sa kanilang barangay.
08:23Ayon sa ilang residente roon, halos araw-araw nilang dinaranas
08:27ang problema sa tubig nitong nakalipas na dalawang linggo.
08:30May mga estudyante kami na siyempre kailangan nilang maligo,
08:35kailangan sa pagluto.
08:37So walang tubig, as in walang running water na para maglinis,
08:43para mag-ayos.
08:45So ang hirap, talagang napakahirap.
08:48Wala rin supply ng tubig sa barangay poblasyon.
08:51Malaki raw ang epekto sa hanap buhay ng may-ari ng kainan na si Annaline.
08:55Pahirapan daw ang pag-iigib ng tubig,
08:57kaya napipilitan silang bumili ng mineral water para sa pagluluto.
09:01O kaya'y hindi na raw muna sila nagtitinda.
09:04Araw-araw, tamisan, halos kalating araw, wala kaming tubig.
09:09Misan yan, hindi na kami nagtitinda dahil nga,
09:12ang hirap mag-iigib, wala kami.
09:14Ang ka-iigib taas, pipili pa kami ng tubig.
09:16Eh ang mahal-mahal na ang mga bilihin ngayon.
09:18So paano pag hindi na kapagbukas o nagtinda?
09:20Walang tinda, wala kita.
09:22Ayon sa barangay, halos isang buwan na raw nakararanas ng water interruption
09:26ang kanilang lugar.
09:28Mahirap po mo kasi magugulat ka walang tubig,
09:30hindi alam kung saan kukuha ang tubig.
09:32Sa aming pagkatrabaho, pagtanggap ng mga kliyente,
09:35eh nahihiya po kami dahil siyempre po,
09:39walang tubig, wala naman po kami magawa.
09:42Nagbigay na po ng babalaang mayor
09:43dahil sa araw-araw nga po walang supply ng tubig ang Maynilad.
09:49Eh nahihirapan po ang aming mga residente.
09:53Misan po po talagang nagpupunta na po sa barangay.
09:57Nagre-reklam po.
09:58Limang barangay sa Muntinlupa ang nakararanas ng mahina
10:01o hanggang sa walang supply ng tubig,
10:03kabilang ang alabang, bayanan, poblasyon, putatan at tunasan.
10:08Sa isang pahayag, sinabi ng Maynilad na biglang nagbago
10:11ang raw water quality sa Laguna Lake,
10:13dulot ng malakas na hangin ngayong amihan season,
10:16kaya apektado ang pag-supply nila ng tubig.
10:19Kailangan daw ng operational adjustments
10:21sa treatment facilities ng Maynilad.
10:24Ginagawa na raw ng kumpanya ang mga hakbang
10:26para maibalik sa normalang supply ng tubig.
10:29May mobile tankers din daw na dinedeploy
10:31para sa mga residente na mga apektadong lugar.
10:39Marius, panawagan ng mga apektadong residente,
10:42sana raw no, agad na matapos ang adjustment
10:45sa operation ng Maynilad para sa tuloy-tuloy na supply ng tubig.
10:50At yan, ang unang balita mula po rito sa Muntinlupas City.
10:54E.J. Gomez, para sa GMA, Integrated News.
10:59Pinakubayan na raw ng defense team ni Vice President Sarah Duterte
11:02sa House Justice Committee
11:03ang kainatna na impeachment complaints laban sa BICE.
11:07Ang mga complainant naman tumagin ang magsumite ng sagot
11:09sa tugon ng kampo ni Duterte
11:11dahil hindi naman anila sinagot ng defense team
11:13ang mga inilatag na reklamo.
11:16May unang balita si Tina Panganiban Perez.
11:21Sa manifestation of waiver ng mga complainant
11:25sa third impeachment complaint laban kay Vice President Sarah Duterte,
11:29sinabi nilang hindi na nila kailangang sagutin
11:32ang consolidated verified answer ad kotelam
11:35na isinumite ng BICE sa House Committee on Justice.
11:39Nabasa namin, walang specific denial
11:42as to specific paragraphs of the 98-page complaint
11:48that we filed.
11:50So for that reason alone, talagang wala pong basihan,
11:53wala pong silbi.
11:55Yung pagpafile, pagkahain ng isang reply
11:58to an answer na hindi naman po sinunod.
12:01Ano yung pinaka-basic requirements sa rules?
12:03Pinabulaan na ni Atty. Ligutan
12:05ang mga sinabi ng BICE
12:07na walang ultimate at evidentiary facts
12:09sa mga reklamo.
12:10May isang eyewitness.
12:13May mga notice of disallowance
12:15audit observation memorandum
12:18from the commission audit.
12:21May mga documents, evidencing payment
12:25na sabi ng PSA,
12:28Philippine Statistics Authority,
12:30eto yung mga taong to do not exist
12:33thick tissues.
12:35Despite that, you still have
12:38the courage and the gull
12:41to claim wala man lang ultimate facts.
12:44Pinabulaanan din niyang recycled
12:46ang mga allegasyon
12:47na ayon sa BICE
12:48ay ibinasura na noon
12:50ng Korte Suprema.
12:51Kami yung sumulat ng third impeachment complaint,
12:54hindi po ni-recycle yan.
12:56Hindi po ni-recycle yan.
12:57Tsaka isang bagay na dapat we have to settle.
12:59Yung decision ng Supreme Court
13:02in Duterte versus House of Representatives
13:04last year.
13:05Never po diniscuss ng Supreme Court
13:08na walang basihan on the merits
13:10yung impeachment complaints filed last year.
13:13Si Atty. Nathaniel Cabrera,
13:15complainant sa fourth impeachment complaint
13:17laban sa BICE,
13:19nag-ha-in din ang manifestation of waiver
13:21to file a reply.
13:22Sabi ni Cabrera,
13:24dahil hindi rin naman daw sinagot ng BICE
13:26ang mga allegasyon
13:27at wala rin itong inihayag na bago,
13:30wala na raw saisay
13:31at makatatagal pa sa proseso
13:33kung maghahain pa siya ng sagot.
13:35Ang pahayaga niya ng kampo ng BICE
13:37na walang ultimate facts sa mga reklamo
13:40ay bunga ng maling pagkakaintindi sa rules
13:43na pwede nang humingi
13:44ng detalyadong ebidensya
13:46sa puntong ito
13:47ng impeachment proceedings.
13:49Dahil hindi na naghahain
13:50ang reply ang mga complainant,
13:52sabi ni House Committee on Justice
13:54Chair Jervie Luistro
13:55na pwede nang talakayin
13:57ang House Committee on Justice
13:58kung may sufficient grounds
14:00para magsagawa na ng hearing proper.
14:03Si House Committee on Justice Chair
14:04Representative Jervie Luistro
14:06pinabulaanan ang sinabi ng BICE
14:09na walang ultimate at evidentiary facts
14:12sa impeachment complaints.
14:13Hindi rin daw totoo
14:15ang bintang ng BICE
14:16na mayroon silang double standard
14:18pagdating sa impeachment complaints
14:21laban sa BICE
14:22at laban kay Pangulong Marcos.
14:24They failed to show proof
14:26of the President's personal involvement
14:29or participation
14:31in the alleged offense.
14:33It's a case ng Vice President
14:35to illustrate again
14:37the offense of threat.
14:40What evidence will you still require?
14:43Press Ipsaluketur,
14:45it is the Vice President
14:46who is uttering the threat
14:48against the President,
14:50the First Lady,
14:51and the former Speaker.
14:53Now, about the Confidential Fund,
14:56you remember
14:57Congresswoman Laila de Lima
14:59even read and showed
15:01the certification
15:02of the training
15:06of the military
15:08to the signature
15:11of the Vice President.
15:13Kinontra rin ni Luistro
15:15ang sinabi ng Kampo ng BICE
15:17na nalabag ang kanyang karapatan
15:19sa due process.
15:20Well, I don't think
15:21there was violation
15:22of due process.
15:23Nakita niyo naman,
15:26we gave ample opportunity
15:29to all the members
15:32of the Justice Committee
15:33and even non-members
15:35who wish to make manifestation
15:37or interpolate
15:38during the determination
15:40of sufficiency in form
15:41and in substance.
15:43Sa panayam ng GMA Integrated News,
15:46pinanindigan ni Atty. Michael Powa
15:48ng defense team
15:49ni Vice President Duterte
15:51na puro opinion,
15:53spekulasyon
15:53at konklusyon
15:54at hindi mga ultimate facts
15:56ang nakasaad
15:57sa mga reklamo.
15:58Paano naman po namin
15:59masasagot
16:00kung wala naman po
16:01ultimate facts
16:02that will constitute
16:03yung impeachable offenses
16:06na pinaparatang nila
16:07laban sa ating vice-presidente?
16:09It is not for the vice-president
16:11to prove her innocence.
16:12It is first for the complainants
16:14to actually prove
16:16na meron siyang ginawang mali
16:18in the first place.
16:20Ipinauubayan na rao
16:21ng depensa sa komite
16:22ang kahihinat na
16:23ng impeachment complaints
16:25laban sa vice-president.
16:26Umaasa silang pagbobotohan nito
16:28hindi lamang base
16:30sa kanilang konsyensya
16:31kundi sa mga ebidensyang
16:33iprinisinta sa kanila.
16:35Ito ang unang balita.
16:37Tina Panganiban Perez
16:38para sa GMA Integrated News.
16:41Kapuso,
16:42huwag magpapahuli
16:43sa latest news and updates.
16:44Mag-iuna ka sa balita
16:46at mag-subscribe
16:46sa YouTube channel
16:47ng GMA Integrated News.
Comments

Recommended