00:00Umabot sa mahigit 3.6 million na halaga ng illegal na vape product
00:04ang nasamsam ng Department of Trade and Industry at Bureau of Internal Revenue.
00:10Kasama ang iba't ibang ahensya, sama-sama ang sinilakay ng mga otoridad,
00:14ang mga establishmentong nagbebenta ng vape products
00:17na hindi sumusunod sa mga regulasyon ng pamahalaan.
00:21Sa isinagawang inspeksyon, nakapagtala ng samot-saring paglabag ang mga otoridad
00:25kabilang na ang kawalan ng mandatory graphic at text health warnings
00:30sa packaging at kawalan ng tax stamps.
00:33Ayon sa DTI, ang mga lumabag ay maaring makulong ng hanggang 6 na taon
00:37at magmulta ng hanggang 5 milyong piso.
Comments