00:00May tatlong putsyam na payout center na tutukuyin ang DSWD para sa pamamahagi ng 5,000 pisong ayuda para sa
00:09mga kwalifikadong tricycle driver sa Metro Manila.
00:12Simula na yan sa Martes.
00:14Nakatutok si Ivan Mayrina.
00:20Sa loob ng tatlong araw, simula sa darating na Martes, March 17, target mabigyan ng 5,000 pisong ayuda ang
00:26nasa 139,000 na tricycle driver sa Metro Manila.
00:30Sisimulan lang sa Metro Manila, then we move out of Metro Manila.
00:34Yung mga cities at yung mga areas na napakaraming tricycle drivers, lahat yan matutulungan.
00:38Sa ngayon, may 39 na payout centers na tutukuyin ang DSWD, isa sa bawat counselor district.
00:43Sa Quezon City at Maynila halimbawa, dahil may 6 counselor districts, may 6 na payout centers din.
00:49Bawat isa, target mamahagi ng 1,000 benepisyaryo kada araw.
00:53Driver's license lang. Hindi na kami muna hihingi ng PhilSys o kung anumang ID yan.
00:57Driver's license. Sigurado din yung valid, yung sabihin hindi expired, sigurado din yung pangalan doon ay ang nag-a-appear
01:04na pangalan doon sa talaan ng local government unit.
01:07Pagdating naman sa ibang mga nasa sektor ng transportasyon tulad ng jeep, bus, taxi, TNVS, motorcycle taxi at delivery rider.
01:16Hindi na lokal na pamahalaan kundi transportation department na ang magiging katuwaan ng DSWD dahil sa kanila namang gagaling ang
01:22listahan.
01:23Magandang balita yan sa mga nakausap naming rider.
01:26Dahil ang nawawala raw sa kanila ngayon nakita, isang kain kada araw.
01:29Habang ibang rider naman, may ibang mungkahing mas makakatulong daw sa lahat na hindi na kailangan idaan sa ayuda.
01:35Kung 5,000 lang eh, kung tuloy-tuloy yung taas ng gasolina eh, wala rin.
01:41Tanggalin na lang nila yung tax ng langis para makinabang lahat.
01:45Ang mga ganito mungkahing nasa plano rin naman ng pamahalaan pero hindi nga lang pwedeng mabilisan.
01:50Ang kapangirihang suspindihin ng excise tax sa petrolyo, nakabimbin na sa Kongreso at certified as urgent na ng Pangulo.
01:57Ang fuel subsidy naman, nahiwalay pang benepisyo para sa nasa sektor ng agrikultura at transportasyon, may kondisyon pa bago mailabas
02:04ang pondo.
02:04Ang kailangan po, ang triggering point is the $80 per barrel for one calendar month.
02:11So kapag yan nagsimula ng pagsirit ng pressionalize, March 1, antayin natin hanggang March 30 at kailangan ng certification from
02:20the Department of Energy.
02:22Ganun pa man, sabi nga ng Pangulo, huwag na natin antayin na mas lalong lumala ang sitwasyon.
02:26That's why we have to start somewhere and we have to start somehow.
02:29So yun po yung pumapasok yung DSWD.
02:3130 billion pesos ang paunang pondo mula sa DSWD na agaran na magagamit para sa mga lubhang apektado na
02:37at maaring maapektuhan pa kung magtuloy-tuloy ang pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
02:43Patuloy naman ang pagtitiyak ng DSWD na ang pondong nakalaan ay mapupunta sa mga dapat makatanggap nito
02:48at mahigpit daw nilang babantayan ang probisyon kontra sa pag-epal ng mga politiko sa pamahagi nito.
02:54Para sa GM Integrated News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
Comments