00:00Pinaigting pa ng Philippine National Police ang proseso ng pagsusuri sa mga aplikante sa pambansang kulisya.
00:07Kasunod ito ng pangamba sa banta ng pang-e-espia at posibleng pagtatangka
00:12ng mga dayuhan na makapasok sa security institutions ng bansa.
00:16Ayon kay PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartates,
00:20isasama na sa recruitment process ang mas masusing background check
00:24at pinalawak na vetting measure sa mga aplikante.
00:27Layon din ng pinaigting na screening na tiyakin sa publiko
00:31na nananatiling mapagmatsag ang PNP laban sa anumang pagtatangka na makompromiso ang pambansang seguridad.
00:39Dagdag ng hepe ng PNP na nananatiling pangunahing prioridad
00:43ang pangalaga sa integridad ng hanay ng pulisya.
00:47Kasabay ng pagbibigay din na paigtingin ang mga hakbang sa counterintelligence sa loob ng organisasyon.
Comments