00:00Samantala, bukod sa pamahalaan, nagtutulungan din ang Filipino community sa Bahrain.
00:05Ito ay dahil ang ilang Pilipino doon wala ng kita dahil sa ipinapatupad na no work, no pay setup.
00:12Si Bea Gaza de Guzman ng Radio Pilipinas World Service sa Sentro ng Balita.
00:19Tumutulong na rin ang ilang grupo ng mga Filipino community sa mga kababayan nating overseas Filipino worker na apektado ng
00:26airstrike sa Bahrain.
00:28Sa panayam ng Radio Pilipinas World Service, iniulat ni Good Cause Bahrain President Antoinette Avila.
00:34Nakatuwang sila ng Overseas Workers' Welfare Administration o OWA sa paghatid ng mga pagkain at iba pang pangangailangan ng mga
00:42OFW roon.
00:43Ilan kasi sa mga kababayan natin sa Bahrain ang apektado ng no work, no pay setup dahil sa tensyon sa
00:49Middle East.
00:51Nagdadala po talaga kami ng pagkain. Ako po ay isang sa katulong ng ating embahada, MWO at OWA na nagdadala
01:01po ng mga food packs sa lahat po ng naapektuhan ng nating mga kababayan ng no work, no pay nga
01:11po.
01:11Kaya po kahit pa paano po lahat po, oras na may tumawag po sa amin, eh kailangan pong magbigay kami
01:19ng mga pagkain.
01:21Samantala nilinaw ni Avila na wala pang Pilipinong naitatalang casualty sa Bahrain sa kabila ng missile strike ng Iran sa
01:28naturang bansa.
01:28Kaya naman mas maigting ang kanilang pag-iingat lalo na sa mga debris ng mga nai-intercept na missile.
01:35Sa ngayon po, sa mga Pilipino po sa atin, wala pa pong casualty sa kahit na ano sa awa ng
01:44Diyos at ang nagiging ano lang po namin siguro yung ibang lahi.
01:49Alright.
01:49Anong isang araw din po, meron pong ang pinakawang ano lang po namin dito is yung debris.
01:57Hinimok din ang Embahada ng Pilipinas ang mga Pilipino sa Bahrain na sumunod sa mga alituntunin at batas doon.
02:04Ito ay kasunod ng inilabas na abiso ng Bahrain Ministry of Interior na huwag kumuha ng larawan, video, at huwag
02:11mag-post ng anumang content sa social media na mayroong kaugnayan sa security operation o incident.
02:18Para sa Integrated State Media, Bea Gaza de Guzman, Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments