Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Transcription by CastingWords
00:30Balita ng atin ni Darlene Kai
00:35Napasabak sa malaking sunog ang mga bumberong malapit sa paliparan sa Bahrain.
00:40Ayon sa gobyerno ng Bahrain, pinuntirya umano ng Iran ang mga fuel tanks sa isang facility sa Muharraq.
00:48Inatake din ang dalawang fuel tanker sa katubigan ng Basra, Iraq sa bahagi ng Persian Gulf.
00:53Batay sa mga ulat, mga Iranian boat na kinargahan umano ng pampasabog ang ginamit laban sa dalawang tanker na nagkakarga
01:01ng langis.
01:01Isa ang patay.
01:03Nagtigil operasyon na ang mga oil port ng Iraq habang patuloy ang operasyon ng mga komersyal na pantalan.
01:09Bago ito, apat pang barko ang inatake sa Persian Gulf at sa Strait of Hormuz,
01:14ang makipot na daanan ng mga barkong nagkakarga ng langis mula sa Middle East.
01:18Gayet ng militar ng Iran, hindi sila papayag na may makalusot na langis na para sa Amerika, Israel o mga
01:25kaalyado nito.
01:26Kahit anong barkong may cargo o langis na para sa mga naturang bansa, ay ituturing daw ng Iran na lehitimong
01:33target.
01:34Mensahe ng Iran sa Amerika, maghanda daw na umabot ang langis sa $200 per barrel.
01:42Batay pa sa mga ulat, pinatamaan din ang mga drone ng imbakan ng langis sa Salala Port na nasa timog
01:48na bahagi ng Oman.
01:49May mga bumagsak ding drone sa Dubai.
01:56Sa Tel Aviv, Israel, muling in-intercept ng mga missile na galing umano sa Iran.
02:02Nagpaabot ng pakikiramay si Israeli President Isaac Herzog sa naulilang asawa ng Pilipinang nasawi sa isa sa mga pag-atake.
02:09Ayon sa Defense Minister ng Israel, palalawakin ang operasyon nila sa Lebanon kasunod ng pag-atake sa Israel ng Hezbollah
02:16na kaalyado ng Iran.
02:18Ayon sa International Energy Agency, nililikha ngayon ng kaguluan sa Middle East ang pinakamalaking oil supply disruption sa kasaysayan.
02:25Dahil sa pagkakaharang sa Strait of Hormuz, inaasahang babagsak ng 8 million barrels kada araw ang global supply ngayong Marso,
02:33nakatumbas ng halos 8% ng kinokonsumong langis ng daigdig.
02:38Sa gitna ng pag-atake ng Iran sa mga barkos sa Gulf Region, muling tumaas ang presyo ng langis sa
02:44world market.
02:45Inaprobahan na ng member countries ng IEA ang paglalabas ng 400 million barrels ng reserbang langis para maibsa ng taas
02:51presyo.
02:52Ito raw ang pinakamlaking stock release na inaprobahan nila mula nang itayo ang IEA noong 1974.
02:58Ang Amerika, maglalabas ng reserbang 172 million barrels bilang bahagi ng napagkasunduan sa IEA.
03:06Nagsabi rin maglalabas ng oil reserves ang Japan.
03:09Ayon sa DMW, may mga Pilipinong tripulante na kumpirmadong apektado ng mga pag-atake.
03:14Dalawamput isang Pinoy seafarers ang sakay ng isang tinamaang barko, labing pito naman ang sakay ng isa pa.
03:2038 in all are safe and they are headed for safer port, safe port.
03:26And we are in touch with the manning agency and the ship owner in terms of bringing them to safer
03:34port
03:35and also other measures that will ensure their safety.
03:39Also reaching out to the families as instructed by the President in terms of assuring them of this good news,
03:47reassuring news.
03:48Sa ngayon, may 7,300 seafarers sa gitnang silangan ayon sa DMW.
03:54Binigyang diindinikadak na may right to refuse o karapatang tumanggi ang mga Pilipinong crew member
03:59na maglayag sa Persian Gulf, Strait of Hormuz at Gulf of Oman habang nagpapatuloy ang gyera sa rehyon.
04:06Bahagi raw ng karapatang yan ang pagbibigay sa kanila ng dalawang buwang sahod
04:10at libreng repatriation o pagpapa-uwi sa Pilipinas
04:13alinsunod sa napagkasunduan ng International Maritime Labor Stakeholders.
04:18Patuloy pa rin hinahanap ang Pinoy seafarer na nawala ng tamaan ng missile
04:22ang sinasakyan niyang tugboat sa Strait of Hormuz noong nakaraang linggo.
04:26Sa gumugulong na investigasyon, nakakitaan na raw ng paglabag ang may-ari ng barko
04:31dahil hindi nila isinama ang Pinoy seafarer sa rehistro, sabi ni Kak Dak.
04:36We continually hope and pray na makita siya and also the President has directed us to support the family,
04:43to be there for the family.
04:44So, Admin PY Kaunan and myself have sent our respective teams on the ground.
04:49Darlene Cai, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended