00:00Hawak na ng motoridad ang sinasabing utak sa pagpatay sa isang babae at isang lalaki na natagpuan sa nasunog na
00:06sasakyan sa Nueva Ecija.
00:08Ang naging susi-umano para mahuli ang suspect, selfie na kuha ng babaeng biktima.
00:14Saksisi June Veneracion.
00:23Magkasunod na putok ng baril ang umalingaungaw sa bahagin ito ng barangay Sinasahan, Peñaranda, Nueva Ecija noong lunes.
00:30Kasunod nyan, isang individual na nakasuot ng itim ang nakita sa CCTV na lumakad palayo sa pulang kotse na nakahinto
00:38sa gilid ng daan.
00:39Sinalubong siya ng isa pang individual at sabay silang umalis.
00:43Ilang saglit lang, bumalik ang nakaitim na individual at sakay ng isang tricycle at may kinuha.
00:49Nilapitan niyang muli ang kotse at tila may ibinuhos sa loob.
00:54Bago ito sinilaban, muling sumakay ng tricycle ang lalaki saka umalis.
01:01Sa loob ng pulang kotse niyan, nadeskubre ang mga surog na bangkay ng isang lalaki at isang babae.
01:07Meron po silang tamo po sa...
01:11Meron po tayong dalawang fire cartridge case na nakuha ng sobo.
01:16Ano po 45?
01:18Dalawang araw matapos yan, naaresto sa Isabela ang babaeng utak umano ng krimen.
01:24Kasamang naaresto ang kanyang asawa at dalawang tauhan.
01:27Yung primary suspect po natin, we're filing case for murder.
01:31And then dun sa tatlo po na yung asawa, trial security, magiging accessory po sila.
01:37Ang naging participation lang po nila is in-arbor nila yung suspect.
01:41Ayos sa polis siya.
01:42Naging susi sa investigasyon ang larawang kuha ng babaeng biktima bago siya pinaslang.
01:48Kasama niyo noon sa backseat ang isang lalaki at isang babae.
02:02Ang lalaki namang biktima, nadamay lang umano matapos mapakiusapang magbaneho.
02:09Base sa investigasyon ng PNP, magkaibigan ang babaeng biktima at ang primary suspect.
02:14May utang daw ang suspect sa biktima, kaya ito ang nakikitang posibleng motibo sa krimen.
02:19Lumalabang sa investigasyon na isinanla umano ng babaeng biktima ang kanyang apartment sa halagang 5 milyong piso.
02:27Ang kalahati ng pera, ipinahiram umano niya sa primary suspect.
02:30Pero dahil hindi na umano mabayaran, binalak nilang ibenta na lang ang apartment.
02:35Ibibenta na po sana nila that time para mabayaran nila yung pagkakasangla nila.
02:40And then meron pa silang kin na 5 milyon.
02:43Meron po ba talaga prospective buyer?
02:45Kunwari lang po sir. Talagang pinagplanuhan na po na ganun yung gagawin.
02:49Tinutugis pa ang isa pang suspect na kasama noon ng primary suspect.
02:53Pati na ang driver ng tricycle na ginamit sa pagtakas.
02:57Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng pamilya ng mga biktima.
03:02Para sa GMA Integrated News, ako si Jun Van Arasyon, ang inyong saksi.
03:08Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:11Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.