00:00Konting paghihigpit pa ng Sinturon dahil sigurado ng tataas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo
00:08ayon po yan sa Department of Energy.
00:11Sa pagtaya ng oil industry sources, hanggang 15 pesos ang taas sa kada litro ng diesel, hanggang 12 pesos sa
00:20gas at 6 pesos naman sa kerosene.
00:23Nakatutok si Maki Pulido.
00:48Maki Pulido.
00:54Sa presyo ng bentahan ng langis sa global market sa nakalipas na dalawang araw, maaaring tumaas ng 10 to 12
01:01pesos ang kada litro ng gas, 13 to 15 pesos sa diesel at 6 pesos sa kerosene.
01:07Maaari pa itong magbago depende sa presyo ng bentahan sa mga susunod na araw.
01:12Inutay-utay ang taas presyo ngayong linggo depende sa schedule ng pupuntahan mong gasolinahan.
01:18Ang Shell at Petron, hinati ito sa tatlong araw at ngayong Huwebes ang last tranche.
01:23Pakiusap ng Department of Energy, huwag mag-panic buying.
01:27Meron po tayong sufficient supply. Ang presyo lang po talaga yung issue dito.
01:33Which is malaki po na problema yun yung presyo.
01:35Pero sa gasolinahan ito sa Quezon City, wala na raw patid ang dating ng mga nagpapagas.
01:41Hindi na po ito normal kasi po nung nakakaraan, isa-isa lang po yung dating.
01:45Ngayon po, bultuan po marami po sila.
01:47Pinabol po namin yung pagtaas uli ng presyo, kaya ngayon pa lang po nagkakariga na po kami ng gas.
01:52Para makatipid naman po kahit pa paano.
01:53Pero ang iba...
02:02Tumaas man ang presyo ng LPG.
02:05Sa halip na magmahal ang presyo ng pagkain sa karinderya ni Jenny, binawasan na lang ang takal.
02:10Pero napansin niyang mula nang tumaas ang presyo ng gasolina, nabawasan ang mga customer sa kanilang karinderya.
02:17Kumukonti ang customer namin ma'am ngayon.
02:20Kung nagtitipid din sila. Kasi alam nila yung parating na pagtaas ng mga presyo eh.
02:24So kailangan din iisipin din nila parang pandemic, kailangan nila magtipid.
02:28Aminado ang Department of Energy, hindi nila mababantayan kung sobra ang taas presyo ng mga gasolinahan.
02:34Dahil nasa 14,000 ang bilang nito sa buong bansa, kaya magsumbong daw sa kanilang website.
02:40May mga lokal na pamahalaan ng nag-iikot na mga gasolinahan.
02:44Kasama sa inspeksyon ni Manila Mayor Isco Moreno ang kalibrasyon.
02:48Para matiyak na awasto ang ibinubog ang gas ng pump.
02:51Nag-iikot na rin ang LGU ng San Juan City para matiyak na walang overpricing.
02:56We make sure that businesses, particularly gas station industry in the city of Manila, is in order.
03:06Because there are laws also that requires them to be measured yung kanilang mga metro.
03:14Kung tama ba.
03:17And yung prices are within the allowable increase as per DOE.
03:25We can revoke their business permit immediately.
03:28Bibigyan natin sila ng show post order.
03:30Makita nga ako natin na nagbenta sila ng fuel beyond the allowed range of the Department of Energy.
03:36We can again revoke their business permit.
03:39Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatutok 24 Horas.
Comments