Skip to playerSkip to main content
  • 5 minutes ago
10 MSMEs sa Cordillera region, nakatanggap ng Halal certification sa tulong ng DTI; halaga ng Halal certification sa pagnenegosyo at turismo, iginiit ng DTI at DOT | ulat ni Jezryl Khate Lapizar - PTV Cordillera

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inaasahang lalawak pa ang operasyon at lalaki ang kita ng micro, small and medium enterprises sa Cordillera.
00:08Ito'y dahil marami sa kanila, halal certified na.
00:12Si Jezreel Kate Lapizar ng PTV Cordillera sa Sentro ng Balita.
00:18Kinilala ang kauna-unahang sampung micro, small and medium enterprises sa Cordillera
00:24na nakatanggap ng halal certification sa tulong ng Department of Trade and Industry Cordillera.
00:30Ibinahagi naman ng ilang MSME na hindi naging madali ang proseso ng pagkuhan ng halal certification
00:37dahil kinakailangan ang pag-aayos ng mga dokumento, inspeksyon sa pasilidad
00:42at pagsasanay para matiyak na sumusunod ang kanilang operasyon sa halal standards.
00:48Para sa mga negosyante, naging malaking tulong ang gabay at suporta ng ahensya
00:53upang matagumpay nilang makamit ang halal certification.
00:57Mawawiden yung market reach natin.
01:01Yung expansion with our Muslim communities, tapos mas makikilala tayo sa community nilang.
01:08So it's additional boost sa marketing natin.
01:13Ayon sa DTI Cordillera, layunin ng inisyatibong ito na tulungan ang mga lokal na negosyo
01:18na makasunod sa mga pamantayan ng halal upang mapalawak ang kanilang merkado
01:23at makapasok sa halal industry sa loob at labas ng bansa.
01:27Pag sinabi kasing halal, na-assure mo nito yung kalidad ng produkto o yung serbisyo
01:33na ito ay malinis at ligtas.
01:35Kaya marami ang tumatangkilik dito, hindi lang mga Muslim,
01:40lalo na yung mga ibang customer or mga turista na conscious sa mga kalusugan nila.
01:48Bahagi ito ng pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang halal ecosystem
01:53at bigyan ng mas maraming oportunidad ang mga lokal na negosyante.
01:57Ang pagdami ng halal certified MSMEs ay maaaring magbigay ng mas maraming pagpipilian
02:03sa mga turista at mamamayang Muslim sa Rekyon.
02:07For them, it's an opportunity. But for the Muslim community, it's our way of life.
02:13Growing po kasi talaga yung Muslim community natin dito sa Northern Luzon,
02:18including dito sa Cordillera.
02:20And we have to cater po yung mga needs ng ating Muslim community.
02:24Ayon naman sa Department of Tourism, Cordillera,
02:27makatutulong din ang pagkakaroon ng halal certified na mga produkto at negosyo
02:31sa pagpapalakas ng turismo sa Cordillera.
02:35Malaking bagay na meron tayong mga facilities at meron tayong mga businesses
02:40or enterprises na also embracing yung halal standard.
02:46So we can now say na ready na tayo for halal tourism.
02:52Inaasahang mas marami pang MSMEs sa Cordillera
02:56ang mahihikayat na kumuha ng halal certification
02:59upang mapalago ang kanilang negosyo at makasabay sa lumalawak na halal market.
03:05Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended