00:00Tuloy-tuloy ang pagsisikap ng gobyerno na matiyak ang kaligtasan ng mga OFWs at kanilang mga pamilya sa gitna ng
00:07umiiral na tensyon sa Middle East.
00:09Ito'y matapos na ligtas na makauwi sa bansa ang 32 repatriates mula Oman.
00:15Kabilang dito ang 24 na OFWs at malo nilang dependent.
00:19Kasama rin dito ang 4 pang OFWs mula Dubai at Oman na natulungan din ang pamahalaan na makabalik ng bansa.
00:25Upang matiyak ang ligtas na paglabas ng mga OFW mula sa mga apektadong lugar,
00:30nagsagawa ang pamahalaan ng iba't ibang hakbang kabilang ang pag-aayos ng land transportation tungo sa mas ligtas na exit
00:37points
00:37at mga alternatibong paliparan na nanatiling bukas para sa international travels.
00:43Naging posible ito dahil sa pagtutulungan ng mga embahada at mga konsulado ng Pilipinas,
00:48DMW Migrant Workers Offices at Overseas Workers Welfare Administration.
00:53Isinasagawa ang mga hakbang na ito sa ilalim ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:58na siguraduhin ang kaligtasan at kapakananang bawat manggagawang Pilipinong kasalukuyang na apektuhan ng tensyon sa Middle East.
Comments