Skip to playerSkip to main content
  • 21 minutes ago
Patuloy na umiigting ang tensyon sa Middle East bunsod ng pag-atakeng sinimulan ng United States at Israel laban sa Iran. Isa sa mga epekto nito ang pagtaas ng presyo ng krudo sa world market na dahilan din ng pagtaas ng presyo ng gasolina sa bansa.

Ano nga ba ang epekto ng oil price hike sa presyo ng ibang produkto? Alamin ‘yan sa video na ito.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Itong March 3, 2026, tumaas ng 13% ang presyo ng cada barilis ng Brent Crude Futures na LCOC1.
00:09Ayon sa Reuters, pumalo sa $82.37 o halos 5,000 piso ang halaga ng cada barilis mula $70.69
00:18o nasa mahigit 4,000 piso cada barilis.
00:22Simula January 2025, ito ang pinakamataas sa pagsipan ng presyo ng crudo.
00:27Ang Brent Crude Oil ang isa sa pangunahing global benchmark na ginagamit para matukoy ang presyo ng langis sa pandaigdigang
00:36merkado.
00:37Nangyari ang pagtaas ng presyo kasunod ng pag-atake ng United States at Israel sa Iran na naging sanhinang kaguluhan
00:44sa Middle East.
00:46Dahil sa mga pag-atake sa Iran, nagdesisyon itong isara ang State of Hormuz.
00:51Isa ito sa mga pangunahing daanan para sa kalakalan ng langis na sinusupply sa iba't ibang panig ng mundo.
00:58Dahil dito, maaring tumaas ang presyo ng gasolina sa Pilipinas na hanggang $10 piso cada litro sa mga susunod na
01:05linggo ayon sa Department of Energy o DOE.
01:09Kung patuloy naaangat ang presyo ng gasolina, paano naman maapektuhan ang presyo ng ibang bilihin?
01:15Ayon sa Department of Agriculture, isa sa maaring maapektuhan ang presyo ng pagkain at agrikultura.
01:22Kapag tumaas kasi ang presyo ng gasolina, maapektuhan ang petroleum-based fertilizers na ginagamit ng mga magsasaka.
01:30Pwede rin daw tumaas ang presyo ng mga pagkain tulad ng tinapay, manok at baboy dahil maapektuhan ang shipping cost
01:38sa pag-angkat ng mga raw materials at pagkain ng mga hayop.
01:41Pusibli rin tumaas ang presyo ng isda kung magmamahal ang presyo ng gasolina.
01:46Ito rin kasi ang ginagamit ng mga banging isda para sa kanilang mga bangka.
01:51Hindi rin ligtas sa pagtaas ng presyo ang binabayarang pamasahe ng mga commuter.
01:56Ayon kasi sa DOE, direct ang maapektuhan ang pamasahe dahil 65% ng petroleum consumption sa Pilipinas ay para sa
02:05transport industry.
02:07Bago ang taas presyo, hindi rin huminahon ang inflation rate sa bansa.
02:13Naitalang 1.8% inflation noong December 2025.
02:17Bumilis ito sa 2% nitong January 2026.
02:21Malaki ang inangat nito pagdating ng February matapos maitalang 2.4% inflation.
02:27Ang inflation ay tumutukoy sa kung gaano kabilis o kabagal tumaas ang average na presyo ng mga produkto at serbisyo.
02:35Kung patuloy ang inflation, nakasasabay ba ang inuuwing sahod ng mga Pinoy?
02:40Base sa datos ng Emon Foundation nitong January 2026,
02:441,250 pesos kada araw ang dapat na minimum wage o katumbas ng 27,196 pesos kada buwan para mamuhay
02:55ng disente ang isang pamilya sa NCR.
02:58Malayo ito sa 695 pesos kada araw na sahod sa NCR na nasa 20,850 pesos lang kada buwan.
03:07Huling nagkaroon ng umento sa sahod noong July 2025.
03:10Sa tala ng Emon Foundation, nasa 14,229 pesos ang buwan ng gasto sa pagkain ng mga nakatira sa NCR.
03:20Kung susumahin, katumbas ito ng nasa 20 araw na pagtatrabaho ng isang minimum wage earner.
03:26Ang gastos naman para sa transportasyon, umaabot sa 1,540 pesos kada buwan na katumbas ng mahigit dalawang araw ng
03:36isang minimum wage earner.
03:37Kung patuloy natataas ang bilihin pero parehas lang ang inuuwing sahod ng mga manggagawa,
03:44malaking dagok ang maladomino effect na pagtaas ng presyo ng ibang commodities dahil sa oil price hike.
03:51Para maiwasan ito, iba yung paghahanda ang kailangan gawin ng mga sangay ng gobyerno.
03:57Dahil kahit anong higpit ng sinturon o pagbaloktot sa maiksing kumot ng mga mamamayan,
04:03hindi sasapat kung kulang ang pagtugon ng pamahalaan.
Comments

Recommended