00:00Simula na ngayong araw ang pagpapatupad ng 4-Day Workweek sa ilang tanggapan ng gobyerno,
00:05alinsunod sa utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:08Sakop nito ang mga government-owned and controlled corporation,
00:11mga LGU, constitutional bodies at state universities and colleges.
00:16Hindi kasama riyan ang mga frontline government office gaya ng mga nakatoon sa emergency at disaster response.
00:22Nanawagan naman si Sen. Chises Codero sa mga pribadong kumpanya
00:26na sumunod na rin sa 4-Day Workweek na ipinatutupad sa gobyerno.
00:30Batay sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency o JICA noong 2018,
00:353.5 billion pesos kada araw ang nawawala sa ekonomiya ng bansa dahil sa matinding traffic sa Metro Manila.
00:43Kung magpapatupad ang 4-Day Workweek o flexible work arrangements sa mga pribadong kumpanya,
00:48luluwag daw ang traffic at makatutulong na makatipid sa langis ngayong may krisis sa Middle East.
00:53Naon na lang sinabi ng Bureau of Working Conditions ng Department of Labor and Employment
00:58na pwedeng magkaroon ng flexible work setup basta nagkasundo ang employer at mga manggagawa.
01:04Sabi naman ang Employers Confederation of the Philippines,
01:07pwedeng pag-aralan niyan sa pribadong sektor pero hindi dapat gawing compulsory.
01:13Hindi daw kasi lahat ng klase ng trabaho ay pwedeng gawan ng flexible work setup
01:17tulad ng healthcare, media at manufacturing.
01:20Hindi rin naman daw lahat ng employer ay kayang magpatupad, lalo na ang maliliit na negosyo.
Comments