00:00Pag-susulong sa interes ng Pilipinas ang isa sa mga pangunahing layunin ni Pangulong Bongbong Marcos
00:05sa kanyang nakatakdang talumpati sa United Nations General Assembly.
00:10Ipapanawagan niya rin daw ang paghupa ng tensyon sa Middle East
00:13at ang kaligtasan ng mga sibilyan gaya ng mga Pilipino.
00:16At mula sa New York City, nakatutok si Joseph Moro.
00:23Bago magtanghali kanina, oras sa Pilipinas,
00:25lumipad si na Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Luisa Arnenta Marcos patungong Amerika.
00:30Kasama ng Pangulo, mga opisyal, kabilang si na Foreign Affairs Secretary Teresa Lazaro
00:34at Migrant Workers Secretary Hans Leo Kakdak.
00:37Ayon sa DFA, nakatakda magtulumpati ang Pangulo sa isang special session
00:41ng United Nations General Assembly sa Martes, March 10,
00:45para manawagan ng kapayapaan sa gitnang silangan.
00:48Kasabay na rin ito ang pagkampanya para maging non-permanent member ang Pilipinas
00:51ng United Nations Security Council para sa taong 2027.
00:55Hagang 2028, dagdag ng DFA ang biyahing ito ang tamang pagkakataon
00:59para manawagan ang Pangulo para sa kapayapaan sa Middle East
01:03at kaligtasan ng lahat ng mga sibilyan, lalo na ng mga Pilipino.
01:07Ang pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos dito sa Amerika
01:10ay nangyayari sa pagitan ng gera ng Amerika at Israel contra sa Iran
01:15na nakakapekto na sa ekonomiya ng Pilipinas,
01:17katulad na lamang sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
01:22Makikipagpulong din ang Pangulo kay UN Secretary General Antonio Guterres
01:25para pag-usapan pa rin ang Middle East.
01:28Magsasalitari ng Pangulo sa 70th session ng Commission on the Status of Women o CSW-70.
01:34Noong biyernes natanong ang DFA kung isusulong ng Pangulo ang isyo sa West Philippine Sea.
01:39I cannot pre-empt what the President will say
01:43but definitely pag-uusapan po ang international developments, regional developments
01:49at yung mga bagay na makakapekto sa ating mga mamamayan.
01:53Mula sa New York City para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
02:00Mula sa New York City para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
02:01Mula sa New York City para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
02:04Mula sa New York City para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
02:05Mula sa New York City para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments