00:00Through national security policy to enhance our security measures.
00:04Sa isang diagram, ipinakita ni Navy Inspector General Rear Admiral Roy Vincent Trinidad
00:09kung paano ni-recruit ang tatlong Pilipino para magpasa ng informasyon sa kanilang mga dayuang handler
00:15na pininiwalaang konektado sa China.
00:17Nakatago raw sa isang gaming app ang komunikasyon ng Pilipinong ni-recruit sa kanyang foreign handler.
00:23May mga communication gadgets na binibigay sa kanila para gamitin.
00:27Yung isang merong special gaming app, Tetris, na andun naka-invent ang komunikasyon nila.
00:34So may ipapram ka lang doon, ipasok mo ang password, maging communication app siya.
00:39Ang kanilang mga dayuhang kausap, gumagamit pa ng mga paraan para itago ang kanilang totoong nationality.
00:46The information is given to the handlers na nasa abroad.
00:52English speaking, yung iba may accent na British, Australian.
00:57Yung isang obvious naman na Chinese ang accent.
01:00Sina alias Lorenz, na dating nangkatrabaho sa Defense Department na lumipat sa Navy.
01:05Alias Allison, na isang analyst ng security sector.
01:08At alias Danny, na nakabase sa Manila at maraming kontak sa Philippine Coast Guard.
01:13The modus operandi here is all financial.
01:18From four to six digits ang halaga.
01:20Sa mga digital wallet at food delivery sinasabay ang paghahatid ng bayad sa kada impormasyong pinapasa,
01:27binibigyan din sila ng malaking bonus.
01:30Nakonsensya raw si alias Danny nang minsang makita ang nasirang barko ng PCG na binangganang barko ng China
01:36at nasaktan ang mga Pilipinong tauhan nito.
01:40Si alias Charles, na isang Navy officer, agad nagsumbong nang tangkayang i-recruit ng isang babaeng dayuhan
01:45at sinimulang hingan ng mga sensitibong impormasyon.
01:48Ang pag-i-recruit sa mga Pilipinong nasa Navy,
01:51sumabay sa panahong nabisto ang umano'y espionage activities ng China sa Pilipinas.
01:55Kasabay ito ni Alice Gu, we have yung may hawak na MC catcher,
02:01yung may hawak na LiDAR, si Mr. Erdeng,
02:04yung Palawan 5 who were installing CCTVs in the approaches to Ulogan Bay,
02:09yung nakuha natin sa Grande Island and Chiquita Island.
02:12Ayon sa Philippine Navy, lumalabas na ang mga nadiskobling mga peking Pilipino kamakailan,
02:17posibleng may kaugnayan din sa pagkuhan ng sensitibong impormasyon.
02:21Tulad ng litratong ito na ibinigay ng aming source na nagpapakilalang Pilipino
02:26na nagdodonate ng ambulansya sa isang LGU.
02:29Ayon sa source, hinuli ang lalaki at nabistong Chinese na nagpapanggap na Pilipino.
02:34If we start connecting the dots over the years, makikita natin merong trend attempts to be able to infiltrate
02:41in a very subtle way to extract information from us.
02:46Information which could be derogatory or dangerous.
02:50It could endanger the lives ng ating mga kapwa Pilipino.
02:53This is a part of the insider threat program they were discovered.
02:58And we find this is a decisive result of our previous efforts to strengthen and harden the security sector and
03:08government agencies.
03:09Para sa GMA Integrated News, John Consulta, Nakatutok 24 Horas.
Comments