Skip to playerSkip to main content
Today's Weather, 5 P.M. | Mar. 5, 2026

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Check out our Streaming Channel: https://streaming.manilatimes.net/

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at [https://www.manilatimes.net](https://www.manilatimes.net/)

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Stitcher: https://tmt.ph/stitcher
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang hapon mula sa DOST Pagasa. Ito po ang ating update ngayong Thursday, March 5, 2026.
00:07Patuloy pa rin yung efekto ng hanging amihan o northeast monsoon sa northern portion ng ating bansa.
00:14Kasama dyan, yung Cagayan, Isabela, Batanes, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayaw, Abra at Kalinga.
00:21Ibig sabihin, ay posible pa rin tayong makaranas ng mga pag-ambun at mas relatively malamig na temperatura
00:27kaysa dito sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng ating bansa na kung saan easterlies ang nakaka-apekto.
00:34Yung easterlies po, yung mainit na hangin na nanggagaling sa Pacific Ocean.
00:38At ito rin yung dahilan kaya mas maalingsangan yung nararanasan natin na temperatura sa kasalukuyan, lalo na sa tanghali.
00:47At para sa magiging forecast natin na bukas, magpapatuloy pa rin naman yung efekto ng hanging amihan
00:54at mataas yung chance ng mga pag-ambun dito sa Cagayan at sa Isabela.
00:59Pero amihan pa rin naman yung nakaka-apekto dito sa Batanes, sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, Apayaw at Kalinga.
01:07Pero mas mababa na yung chance ng mga pag-ambun.
01:10Dito naman sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon,
01:13ay mababa yung chance ng mga pag-ulan.
01:15Pero posible pa rin yung mga localized thunderstorms o yung mga panandaliang pag-ulan.
01:20Halimbawa, nasa biyahe tayo, highway, ay may may-encounter tayo na mga pag-ulan sa isang area lamang.
01:26At paglagpas natin doon, ay mawawala na rin ulit yung mga pag-ulan.
01:29Yung po yung mga example lang ng mga localized na pag-ulan.
01:33Agwat ng temperatura na na-observe natin dito sa Metro Manila ay 24 to 33.
01:38Dito naman sa Tagaytay ay 20 to 30.
01:40At sa Legaspi ay 24 to 32.
01:43Dito sa Visayas at sa Mindanao, sa kabila ng efekto ng Easterlies,
01:48at yung mga kaulapan na previously nakaka-apekto dito sa eastern portion ng Mindanao
01:54ay sa kasalukuyan na humugpa na po.
01:56At ito po ay nabawasan pa.
01:58Ibig sabihin, sa buong Visayas at Mindanao, mababa po yung chance ng mga pag-ulan.
02:03Also, again, posible pa rin naman yung mga localized thunderstorms.
02:07Pero mas bumaba lang yung chance ng occurrence o yung posibilidad na mangyari ang mga ito.
02:12Agwat ng temperatura dito sa Cebu ay 26 to 32, dito naman sa Iloilo ay 26 to 32 din,
02:19at sa Davao ay 25 to 33.
02:22Wala po tayong nakataas na gale warning sa kasalukuyan,
02:26pero ang pinakamataas na posibili natin na ma-encounter na taas ng alon ay hanggang 2.5 meters.
02:32Dito po yan sa Northern Luzon, yung seabords natin dyan.
02:36At para sa susunod na tatlong araw, simula Saturday hanggang Monday,
02:40yung weather condition na maranasan natin dito sa Metro Manila, sa Baguio at Legazpi,
02:46particularly sa malaking bahagi ng Luzon, mananatili yung impluensya ng Easterlies hanggang Sabado.
02:53Pero simula Sunday o sa linggo ay muling lalakas yung hanging amihan.
02:58Kaya kung mapapansin po natin, nagbago yung icons natin dito,
03:01yung muling paglakas po ng amihan ay posibleng magdulot ng mga pag-ambon dito sa Baguio at sa Legazpi hanggang
03:09sa Monday.
03:09Pero dito naman sa Metro Manila, mananatiling mababa yung chance ng mga pagulan.
03:14At in terms of yung difference ng icon na ito,
03:18posibleng yung mga thunderstorms dito sa Metro Manila hanggang Saturday.
03:22Pero simula Sunday hanggang Monday, most likely mga pag-ambon na lamang po ito at associated ito sa amihan.
03:29Dito sa Visayas, particular na sa Metro Cebu, Iloilo at Tacloban, mananatili yung impluensya ng Easterlies.
03:37Pero dito sa Tacloban City, by Monday, dahil po sa paglakas ng amihan,
03:42yung paglakas po ng amihan pababa hanggang sa Visayas,
03:47at yung pananatili ng Easterlies, ito po yung characteristic para mag-form yung shearline.
03:53Yung salubungan ng hangin na yan ay magdulot ng mga kaulapan na posibleng magdulot ng mga pagulan.
03:58Kaya naman po dito sa Tacloban, by Monday, ay magiging maulap ang ating kalangitan
04:02at magiging mas mataas yung tsansa ng pagulan.
04:06Dito naman sa Mindanao, tulad po nung binanggit natin kanina,
04:10na posibleng pagbuo ng shearline,
04:12ay dito naman po ito makaka-apekto sa northeastern part ng Mindanao,
04:16particular na dito sa Cagayan de Oro, by Monday din po.
04:19Pero throughout Mindanao, ay magiging mababa po yung tsansa ng mga pagulan.
04:23Pero watch out pa rin sa mga localized thunderstorms na binanggit natin kanina
04:27Para malaman po natin kung may posibilidad ba ng thunderstorm sa mga lugar natin,
04:31ay posibleng natin bisitahin yung panahon.gov.ph,
04:35i-click natin yung icon doon na bell sa upper right,
04:37at makikita natin hanggang municipality level po ay pinapalabas po natin doon sa ating website na iyon.
04:46Also, sa mga curious po,
04:47paano po ba puntahan yung mga warnings and issuances ng pag-asa patungkol sa heat index?
04:52Pag pumunta po tayo sa pag-asa.dost.gov.ph,
04:56ay ganito po yung lalabas na options o yung tab natin.
05:00So, i-click lang po natin itong weather na tab,
05:02and then, piliin natin itong heat index na tab,
05:06at ito po yung lalabas na itsura.
05:08Unang-una po din sa page na ito ay yung table.
05:11So, itong table na ito, ito po yung iba't-ibang stations natin sa ating buong bansa,
05:16yung mga synoptic and agromed stations natin,
05:19or yung mga stations natin sa pag-asa.
05:21At ito pong limang column na ito,
05:24ito po yung nagpapakita ng heat index na pinakamataas na na-observe natin
05:28for the past five days na nakalipas na limang araw.
05:31At itong dalawang nahuhuling column na ito,
05:34ito po yung forecast natin sa susunod naman na dalawang araw.
05:38Also, meron din tayo ng mga graphical information.
05:42Halimbawa, gusto natin na makita ng mabilisan,
05:45saan ba may posibilidad na umabot ng danger level?
05:48Dito po, dito sa Coron station natin ay posibleng umabot ng hanggang danger level,
05:54hanggang 42 degrees Celsius yung ating heat index forecast
05:57for day one and day two.
05:59Ito naman po yung as of March 4.
06:03Meron din po tayo mga infographics.
06:05Halimbawa, ano po ba yung mga posibleng nating maranasan
06:08kapag na-expose tayo sa matinding init ng araw?
06:11Dito po lalabas yung mga sintomas
06:12at ano yung mga dapat natin gawin para maiwasan?
06:16Or ano yung mga first aid na pwede natin gawin?
06:19So, hanggang kailan po ba matatapos ang AMIHAN?
06:21Yung AMIHAN po, last year ay nagtapos second half po ng March.
06:25At malaki yung posibilidad na sa second half din po ng March,
06:29this year, mag-end yung hanging AMIHAN.
06:31Although, binanggit natin kanina na posibleng may surge pa
06:34o may muling paglakas yung AMIHAN next week.
06:37Pero malaki po yung posibilidad na third week or fourth week po
06:41ay posible yung mag-determinate na
06:43o mag-e-end na yung influensya ng AMIHAN
06:45and eventually ay papasok na po tayo sa warm and dry season natin.
06:50Ang ating araw ay lulubog mamayang 6.05pm
06:53at muling sisikat bukas sa ganap na 6.10 ng umaga.
06:58Stay hydrated and stay safe.
07:00Ako po si John Manalo.
07:02Mag-ingat po tayo.
07:04Mag-ingat po tayo.
07:34Mag-ingat po tayo.
07:35Mag-ingat po tayo.
07:36Mag-ingat po tayo.
07:36Mag-ingat po tayo.
07:36You
Comments

Recommended