00:00Plano ng pamahalaan na limitahan na lang sa 3% ang paggamit sa unprogrammed appropriations.
00:06Yan ang proteksyon sa pondo ng bayan. Yan ang ulat ni Clay Zelfardelia.
00:30Alinsunod sa direktiba na yan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., binabalangkas na ng Department of Budget and Management ang
00:39Philippine Budgeting Code na magsisilbing gabay sa masinop na paglalabas at paggamit ng pondo para sa unprogrammed appropriations.
00:48Bahagi ito ng taon ng General Appropriations Act ng Pilipinas na nakalaan para sa mga programa o proyekto na pinupondohan
00:56lamang kung may dagdag kita ang pamahalaan o foreign loan at grant.
01:01Hindi ito pondong ginagasta ayon sa sariling desisyon ng isang opisyal o ahensya ng pamahalaan.
01:07Kaya giit ng palasyo, dapat malinaw ang layuni ng mga proyekto.
01:12A central policy intention under the proposed reform is to ensure that unprogrammed appropriations are confined to a limited and
01:22clearly defined purpose,
01:25thereby preventing its use as a broad or discretionary funding mechanism and reinforcing fiscal discipline.
01:33Magtatakda ang DBM ng level, hangganan at kondisyon para sa paglalabas ng unprogrammed fund,
01:39pag-aaralan ng economic team, dadaan kay Executive Secretary Ralph Reto at aprobahan o re-repasuhin ni Pangulong Marcos.
01:48Ang tiyak, sabi ng DBM.
01:51The DBM's position is to adopt a more prudent and disciplined approach
01:56by setting the level of unprogrammed appropriations at a rate level or rather rate lower than 5% of the
02:06total national budget based on historical data and fiscal trends.
02:11Nasa P150 billion pesos ang unprogrammed fund sa nilagdang 2026 national budget,
02:18pinakamaliit simula noong 2019,
02:21kabilang ang pagsuporta sa mga programang katuwang ang ilang dayuhang bansa na magpapatatag sa imprastruktura,
02:28modernisasyon ng sandatahang lakas,
02:30nalayong iangat ang pwersa ng militar,
02:32at risk management program na gagwardya at magsisigurong hindi nasasayang ang kaban ng bayan.
02:40Kalaizal Bardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments