00:01Magandang gabi, Pilipinas!
00:03Bayan magkatuwang na isinusulong ng gobyerno at ng pribadong sektor
00:07ang mga reforma para mapaganda pa ang servisyo sa taong bayan.
00:11Kabilang dyan ang digitalization ng mga servisyo,
00:15lalo na sa sektor ng kalusugan,
00:18pagpapaunlad ng negosyo sa mga probinsya
00:21at pagpapataas sa produksyon ng pagkain.
00:24Sa kabila niyan, tiniyak ng Malacanang
00:27na hindi isasantabi ang pagpapanagot sa mga nasa likod
00:30ng maanumalyang flood control projects.
00:33Yan ang ulit ni Crazel Pardilla.
00:37Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:41sa mga miyembro ng Private Sector Advisory Council.
00:45Tinalakay ng Presidente at PISAC
00:47ang mga pangunahing reformang isusulong ng gobyerno.
00:51Patuloy ang pag-uusap ng pamahalaan at private sector
00:54upang alamin kung paano mas mapapaganda ang servisyo ng bayan
00:59at paano rin maiaangat ang ekonomiya ng bansa.
01:04Sentro ng pag-uusap ang digitization ng PhilHealth.
01:07Kapag online na kasi ang record at proseso,
01:10mabilis na mabiberipika ang mga claim
01:13at agarang makapaghatid ng medikal na servisyo.
01:16Kasama rin ang modernisasyon at pagpapalawak ng mga paliparan
01:21na magsisilbing daan sa paglago ng turismo
01:24at pag-unlad ng mga negosyo sa iba't ibang probinsya sa bansa.
01:28Tinalakay din ang pagbawa sa pag-angkat ng mga binhi
01:31para maibsan ang pagdepende sa importasyon
01:34at matutukan ang pagpapataasang produksyon ng pagkain sa bansa.
01:38Bago yan, nakipagpulong din ang Pangulo sa PISAC
01:41tungkol sa pagtugon sa edukasyon, kalusugan, trabaho at teknolohiya.
01:47Kaya para sa Pangulo, hindi pamumulitika at paninira,
01:52kundi kooperasyon at pagtutulungan
01:55ang makapagsusulong sa atin para sa isang bagong Pilipinas.
01:59Bagaman nakatutok ang presidente sa pagpapaunlad ng ekonomiya,
02:03siniguro ng Malacanang na patuloy na hinahabol ng administrasyon
02:08ang mga nasa likod ng maanumalyang flood control project.
02:11We are moving forward.
02:14Ang mga pag-iimbestiga po sa flood control projects
02:17ay binibigay po niya sa ICI, sa DOJ at ombudsman.
02:23Kasama rin po ang DPWH.
02:25Depending po tayong request for cooperation ng Interpol.
02:29Minisasyon po ito at ang gobyernong ito ay patuloy sa pagtrabaho
02:34at paghanap sa mga kababayan natin na nagtatago sa ngayon.
02:41Samantala, itinalaga ni Pangulong Marcos
02:44bilang bagong acting secretary
02:46ng Department of Environment and Natural Resources
02:50si Yusak Juan Cuna.
02:51Si outgoing Secretary Rafael Rottilla naman
02:54magsisabing Philippine Ambassador to the Holy Sea sa Italy.
02:58Kaleizal Bardilia para sa Pambansang TV
03:02sa Bagong Pilipinas.
Comments