00:00Ikinalugod ng grupong Mayors for Good Governance ang nagihakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06na gawing P57B ang pondo para sa Local Government Support Fund ngayong taon.
00:12Ayon sa grupo, mapapalakas nito ang paghahatid ng mga servisyo at pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
00:20Dagdag pa ng grupo, supportado rin nila ang pag-download ng mga pondo papunta sa mga LGU
00:26para sa pagpapatayo ng mga school buildings sa ilalim ng Classroom Building Acceleration Program Act
00:33na sakup ng Memorandum of Agreement sa kagitan ng Department of Education at mga lokal na pamahalaan.
00:40Dito ay direktang maipapatupad ng mga LGU ang mga school infrastructure project
00:45na makatutulong na mapabilis ang pagpapatayo ng mga silid-aralan,
00:50matugunan ang congestion at matiyak na itinayo ang mga ito
00:54batay sa aktwal na pangangailangan ng komunidad.
00:57Naniniwala din ang grupo na makatutulong din ito na maibalik ang tiwalan ng publiko
01:03sa mga institusyon ng pamahalaan kung ito ay maipatutupad ng mayroong transparency,
01:09pananagutan at integridad.
Comments