00:00Mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang EDSA People Power Revolution.
00:04Yan ang pahayag ng Malacanang sa pag-unita sa ika-40 taong anibersaryo ng EDSA Revolution kahapon.
00:11Ayon sa palasyo, hindi mabubura sa kasaysayan ng bansa ang ipinakitang tapang ng mga Pilipino.
00:16Idineklara ang February 25, 2026 na Special Working Day bilang pag-unita sa mapayapang pag-aalsa ng taong bayan sa
00:24kahabaan ng EDSA noong taong 1986.
00:26Pinag-aaralan na umano ng pamahalaan na gawing taong ng regular holiday ang February 25.
00:34It's part of the history. Hindi ito mabubura.
00:38Hindi mabubura kung anong naganap noon, ang katapangan ng mga Pilipino, ang pagtanggap sa pangyayari.
00:46Hindi po yan mabubura sa history.
Comments