00:00Inaasahan ng Department of Education na bibilis pa ang pagpapatayo ng mga classrooms sa bansa.
00:06Ito'y sa harap ng pinaiting na pagtutulungan ng DepEd at mga lokal na pamahalaan.
00:12Ayon kay Education Secretary Sunny Angara, mahalaga ito para agad matugunan ang classroom shortage,
00:19lalo't alam ng mga lokal na pamahalaan ng mga lugar na pinakanangangailangan.
00:25Makatutulong din Anya ito para mas mabigyan ng ligtas at maayos na lugar ang mga mag-aaral at mga guro.
00:31Sa ilalim ng pinagtibay na MOA, ang city governments ang tutukoy sa mga prioridad na lugar,
00:38magpapabilis sa construction permits at pag-rehabilitate sa mga imprastruktura.
00:44Ang DepEd naman ang nakatutok sa mga prioridad na paaralan, classroom design, project validation at compliance monitoring.
Comments