00:00Huli kam sa Maynila, sugatan ang isang lalaking tumatawid matapos masalpok ng motosiklo.
00:06Sugatan din ang rider na nakainom daw.
00:08Balita ng ating di Jomera Presto.
00:12Kita sa CCTV ang isang lalaki habang tumatawid sa Abad Santos Avenue sa Tondo Maynila pasado alas 11 kagabi.
00:19Maya-maya, nasalpok siya ng isang motosiklo.
00:23Tumilapon ang biktima at ang rider.
00:25Nadamay rin sa aksidente ang ibang motor na nakaparada sa lugar.
00:28Ayon sa barangay, hindi nahagip sa CCTV nila kung nakago ang traffic light noon.
00:33Pero anila, parehong may mali ang dalawa.
00:36May kabilisan daw ang takbo ng rider at ang biktima naman, tumawid sa hindi tamang tawiran.
00:42Nakainom din umano ang rider na pauwi na sana galing sa isang lamay.
00:46May hindi makausap, medyo amuilasing nga, hindi niya alam kung ano nangyari sa kanya.
00:51Yung tao, nag-alanganin, hihinto ba siya, binilisan niya pa yung takbo, yun, nabungo na siya.
00:57Ayon sa biktima, bibili lang sana siya sa convenience store ng mabundol.
01:01Iniinda niya ang sugat sa kanang braso at pananakit ng kanyang dibdib.
01:04Alam ko tumatawid ako at hindi ko na alam.
01:06Wala ka ba na mali ganita?
01:08Ata.
01:09Ang rider, may sugat din sa katawan.
01:12Makalipas ang labing limang minuto, dumating ang ambulansya na nagbigay ng paunang lunas sa dalawa.
01:18Halos tapat lamang ng isang ospital ang pinangyarihan ng aksidente.
01:21Pero ang nakakapagtaka, sabi ng barangay,
01:24e walang lumabas na mga nurse na nagbigay ng paunang lunas mula sa ospital na yan.
01:28Sa halip ay galing pa sa ibang ospital ang ambulansya na dumating para magbigay ng paunang lunas.
01:34Actually, wala man lang nung meresponding taga-ospital.
01:37Ilang beses naming sinubukang kunin ang panig ng pamunungan ng ospital pero walang opisyal na humarap sa amin.
01:43Naantala rin ang isang oras ang daloy ng trapiko dahil hindi makadaan ang mga motorista sa pinangyarihan ng aksidente.
01:49Posibleng maharap ang motorcycle rider sa reklamong paglabag sa reckless driving resulting in physical injury at damage to property.
01:57Mahiwalay pang reklamo sa oras na mapatunayang nakainom siya habang nagmamaneho.
02:02Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:07Jomer Apresto
02:09Jomer Apresto
Comments