00:00Mas marami pang pamilyang Pilipino ang inaasahang makikinabang sa Benteng Bigas.
00:04Meron na program ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:09Sa pamamagitan niya ng nationwide rollout ng Benteng Bigas,
00:12meron na RISE Project LGU expansion na sinimulan sa Davao City.
00:17Isinigawa ang ceremonya ng bentahan ng bigas sa barangay Matina Crossing at barangay Tungkalan
00:21sa Toril District sa kauna-unahan sa buong bansa na nagpatupad ng inisyatibang
00:26magbenta ng bigas sa halagang 20 pesos kada kilo, lalo na para sa mga kabilang sa vulnerable sector.
00:33Bahagi ito ng kadiwa program ng Department of Agriculture na nagpapalawak sa akses ng abot-kayang pagkain
00:40habang patuloy na sinusuportahan ang mga lokal na magsasaka.
00:44Inaasahang abot sa 44,000 na residente sa Davao ang makikinabang sa nasabing programa.
Comments