00:00Ibinahagi sa publiko ng National Mapping and Resource Information Authority o NAMRIA
00:04ang kopya ng opisyal na administrative map ng Pilipinas
00:08kung saan ipinapakita dito ang West Philippine Sea kabilang na ang Kalayaan Island Group.
00:14Nilinaw na NAMRIA na noon pang 2012, ginamit ito sa iba't ibang uli ng mapa at nautical charts.
00:20Ayon pa sa NAMRIA, bagaman ang Exclusive Economic Zone ay umaabot hanggang 200 nautical miles
00:26mula sa archipelagic baselines ng bansa,
00:28ang short list ng coordinates ay hindi tiyak na magtatakda sa limitasyon sa dagat
00:34pero ang boundary umano ay makikita sa geospatial data na nagmula sa archipelagic baselines
00:40na tinukoy sa RA 9522.
00:44Dagdag pa ng NAMRIA, sumusunod sa International Hydrographic Standards
00:48ang kanilang mga nautical chart at ginagamit ito ng mga barko sa bansa
00:52at mga dayuhan na naglalayag sa loob ng karagataan ng Pilipinas.
00:57Tiniyak naman ang NAMRIA na patuloy nilang gagampanan
01:00ang kanilang mandato para sa sobranyan ng bansa,
01:03kaligtasan sa karagataan at paghahanda sa kalamidad at iba pang pangangailangan.
Comments