00:01Ipasusubasta ng National Food Authority ang mga bigas na tatlong buwang pataas ng nakaimbak sa kanilang bodega.
00:08Bagaman luma, ligtas ang mga itong kainin ayon po yan sa NFA.
00:12Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:17Libo-libong sako ng NFA rice sa Valenzuela ang ipasusubasta na sa mga retailer, dealers at wholesaler ng bigas.
00:24Hindi ito mga bagong stock at iba't iba ang presyo, depende sa kung gaano kaluma o kung anong kalidad.
00:31Itong bigas na labing tatlong buwan na mula ng magiling, hindi nalalayo ang itsura at kulay sa bigas na tatlong
00:37buwan o pababa.
00:39Pero itong siyam na buwang bigas, manilaw-nilaw.
00:42Meron talagang pagkakaiba sa rice producing regions na medyo maganda ang mga variety na tinatanim like region 3.
00:49Mas maganda ang kalidad ng bigas dyan.
00:53Sa darating na biyernes, February 20, magsisimula ng auction proper para sa 750,000 na sako ng NFA rice.
01:02Depende kung gaano na katanda ang bigas, maaaring may pagkakaiba sa kalidad at presyo nito.
01:08Pero ayon sa NFA, lahat daw ay masasabing fit for human consumption.
01:12Ayon sa NFA, tungkulin nilang ipasubasta yan.
01:15Siyempre dahil gusto rin natin lumuwag ang bodega ng NFA at malapit na ang peak season ng harvest sa Marso,
01:24no?
01:25So tapos yun, makapag-generate ng revenue.
01:28Katumbas ng 1.5 milyon na sako ng palay ang maaaring mabili ng NFA sa harvest season dahil sa pagluwag
01:34ng mga bodega.
01:35Mayigit 900 milyon pesos naman ang inaasahang dagdagpondo mula sa napagbentahan ng pasubasta.
01:42Hindi makakabili ang mga ordinaryong consumer pero makikinabang sila kung ibibenta ng mura ng mga rice trader ang mga bigas.
01:50Malaking tulong, lalo't 40 hanggang 54 pesos ang kilo ng local well-milled rice.
01:55Nakakaunti ang supply sa ilang pwesto tulad sa Marikina Public Market.
02:00Local rice, actually, medyo nagtaas at mahirap kumuha ngayon.
02:05Ayan ang problema ngayon.
02:07Kulang yung budget, yung medyo mura na lang muna.
02:10Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Oras.
Comments