00:00Umabot na sa lima ang mga Pilipinong prisoner of war sa Ukraine na nakikipaglaban para sa Russian forces.
00:06Ayon niyan sa Department of Foreign Affairs. Nakatutok si Dano Dengkungko.
00:13Bukod kina Raymond, gumangan apat na iba pang Pinoy ang prisoner of war sa Ukraine ayon sa Department of Foreign
00:19Affairs.
00:20Kaya limang request for assistance na ang hawak ng kagawaran kaugnay nila.
00:24Pero tumanggi muna ang DFA na magbigay ng detalya tungkol sa mga hiling na ito at kung sino ang iba
00:29pang prisoner of war at paano sila napunta sa ganong trabaho.
00:54But iba-iba po yung naririnig natin. Ang sinasabi na lang po kasi namin is that mag-iingat po sa
00:59mga overseas employment offers.
01:02Nauna ng nanawagan sa Senate Committee on Foreign Relations Chairperson Sen. Erwin Tulfo na mapalaya si gumangan.
01:09Pero ayon sa DFA, komplikado ang prosesong ito dahil hindi naman kalahok ang Pilipinas sa gera ng Russia at Ukraine.
01:15Any release or repatriation of a prisoner of war is subject to agreements between parties to the conflict.
01:23Gayunpaman, we are exploring all avenues to assist him.
01:27Inilapit na ng DFA ang sitwasyon ni Gumangan sa mga otoridad ng Ukraine at ng Russia.
01:32Naunang binanggit sa isang Facebook page ng Ukrainian government na nirecruit si Gumangan mula Alkalapangasina na mga Rusong nag-aalok
01:39ng high-paying jobs sa Russia.
01:41Pero kalauna, napabilang siya sa puwersa ng Russia bago nahuli ng Ukrainian forces.
01:47Again, kailangan po, we are very careful about online employment offers.
01:53Ang legal po, sa Ukraine meron po tayong deployment ban. Sa Russia po walang deployment ban.
02:01Nakipagpulong naman si Tulfo kay Ukrainian Ambassador to the Philippines, Yulia Fediv.
02:06Tutulong umano ang ambasador na payagang makausap ni Gumangan ang pamilya dito sa Pilipinas.
02:11Pero kung pagpapalaya kay Gumangan ang usapan, wala umanong kasunduan sa pagitan ng Ukraine at Pilipinas na makatutulong sa mga
02:19ganitong kaso.
02:20Kaya tutulong umano si Tulfo sa paikipag-ugnayan sa DFA at Department of Migrant Workers
02:25para makabuo ng kasunduang tutugon sa mga Pilipinong nasa conflict zone tulad ng kay Gumangan.
02:30Binanggit naman ang Ukrainian Ambassador na ongoing ang paghahanda ng isang joint labor agreement sa pagitan ng Ukraine at Pilipinas.
02:38Para sa GMA Integrated News, Danating Kung Kung Nakatutok 24 Horas.
Comments