00:00Handa maghipagtulungan sa Interpol ang gobyerno ng Pilipinas kasunod ng paglabas ng Office of the Prosecutor ng ICC
00:06ng mga pangalan ng mga co-perpetrator umano sa guerra contra droga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:12Itinanggi naman ng ilang sa mga pinangalanan ang mga allegasyon laban sa kanila.
00:16Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:21Walong kasabwat umano ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang tinukoy ng International Criminal Court o ICC
00:27kaugnay ng kanyang guerra contra droga, si na Sen. Bato de la Rosa, dating Acting PNP Chief Vicente Danau,
00:35ang namayapan ng dating PNP Chief na si Camilo Cascolan, dating PNP Chief Oscar Albayalde,
00:41Sen. Bongo, dating NBI Director Dante Gueran, dating PIDEA Chief Isidro Lapeña,
00:48at dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
00:50Kabilang sa allegasyon ay ang pagpapatupad umano ng tinatawag na common plan o plano para i-neutralize
00:56ang hinihinalang kriminal sa pamamagitan ng karasan tulad ng murder mula 2011 hanggang 2019.
01:04Sa kaso ni Go, nagsimula raw ito nung personal aid at special assistant pa siya,
01:09hinuoy Mayor Rodrigo Duterte, hanggang itinalaga siyang special assistant to the President.
01:15Mariin itong itinangginigo at tinawag ang aligasyon na walang basihan, one-sided at hindi patas.
01:22Walaan niyang kaugnayan ang mga bintang sa kanyang mga naging papel at responsibilidad bilang special assistant to the President
01:29at executive assistant ng alkalde noon ng Davao City.
01:34Dagdag pa ni Go, walang iligal na inuutos sa kanya si dating Pangulong Duterte
01:38at hindi rin naman aniya siya susunod sa anumang iligal na utos mula kaninuman.
01:43Iginiit din sa press release ni Go na ang kanya mga responsibilidad noon ay administrative at clerical lang
01:50at hindi konektado sa polis o operational matters.
01:53Sa sesyon ng Senado nitong miyerkules, nakita pang dumalo si Go.
01:57Pero si Senador De La Rosa, mula Nobyembre pa hindi pumapasok sa Senado
02:02simula ng umugong na may arrest warrant na ang ICC laban sa kanya.
02:06Sa dokumento ng ICC, isinangkot siya ng mga prosecutor sa kaso mula rin noong alkalde pa, si Duterte.
02:14Siya naman ang nakaupong hepe ng Davao City Police noon at kalaunay naging PNP chief.
02:19Wala pagtugon si De La Rosa sa pagpapangalan sa kanya ng ICC
02:23pero nabanggit niya noong handa siyang humarap sa anumang kaso pero sa isang korte lang sa Pilipinas.
02:30Ayon sa ilang Senador, hindi pwedeng arestuhin ang sinumang Senador sa loob ng Senado habang nakasesyon.
02:37I would stand by what sinabi ni Senate President Dito Soto noon
02:42na by tradition, while the Senate is in session, walang miyembro ang inaaresto sa loob.
02:50Pero kung nasa labas ng Senado, maaari bang mangyari ang ginawa noon kay dating Pangulong Duterte?
02:56I believe in the previous arrest, nagkaroon kasi ng sense na na-exhaust yung remedies dito.
03:06I mean, similar principles should apply, pero kung paano aasta ang Senado in these two cases dahil sa mga miyembro
03:16namin sila.
03:19Naniniwala naman sa Senate President Pro Tempore Ping Lakson na dapat idaan sa local court
03:25ang anumang arrest warrant galing sa ICC o kahit anong foreign court.
03:30Pwede anong niyang talakayin ng Senado sa miyembro
03:33ang mga posibleng hakbang sa issue at pag-aaralan din ng mga abugado ng Senado ang dapat gawin.
03:40Ang isa pang pinangalan ng co-perpetrator na si dating Justice Secretary Aguirre,
03:45pinabulaan ng kasabot siya sa extrajudicial killings.
03:49Binawit lang daw siya ng prosecution panel ng ICC para bigyan ng kredibilidad ang sinasabi nitong common plan.
03:56I've never engaged in any extrajudicial killing.
04:00Hindi ko sinuporta niyan kung mayroon man.
04:03Hindi ko nga alam yan eh.
04:05As a matter of fact, during my time,
04:08as Secretary of Justice,
04:10they made a big pass about
04:15the killings of Quien de Los Santos,
04:20Carlos Arnaiz,
04:21and Culot de Guzman.
04:23I was instrumental in bringing all the parents and relatives of these three
04:32to Malacanang, Bahay Pangarap.
04:34And because of this, they were able to meet with the president.
04:39And after that meeting,
04:42charges were filed against this policeman
04:45and trials were conducted
04:48and they were all convicted.
04:51Sa isang Facebook post,
04:54sinabi ng asawa ng namayapang si Kaskolan
04:56na sanay nabubuhay pa ang kanyang asawa
04:59para ipaliwanag ang off-land tokhang at double-barrel.
05:03Sinusubukan pa naming makuna ng pahayag
05:05ang iba pang pinangalan ng co-perpetrator
05:08pero wala pa silang tugon sa ngayon.
05:11Pero kahit ipinalabas ng ICC ang pangalan ng mga co-perpetrators,
05:16hindi raw ito nangangahulugang may lalabas ng warrant of arrest laban sa kanila.
05:20Ang ICC sa ngayon ay hindi naman sinisilip
05:25o hindi nila kakasuhan yung lahat ng involved.
05:29Meron silang prosecutorial strategy kung saan
05:32yung pinaka-responsable ang kanilang kakasuhan.
05:37Pusibling ang pagsasapubliko raw na mga pangalan
05:40ay para mas klarong maipaliwanag sa publiko
05:43ang kinakaharap na Kasong Crimes Against Humanity ni Duterte.
05:47Yung pagdeklara at pagdisclose ng mga pangalan ngayon
05:52ay malamang sa malamang ayon sa una,
05:56utos ng pre-trial chamber
05:58o kaya upon agreement by the parties
06:02ng prosecution at defense.
06:04Mukhang ito ay isang hakbang para mas maintindihan natin
06:07kung ano ba yung charges o yung sakdal na babasahin.
06:11Sakaling maglabas ng warrant of arrest ayon kay Conti,
06:15mainam na sundin daw ng Pilipinas
06:17ang prosesong nakasaad sa Article 59 ng Rome Statute.
06:21Nakasaad dito na sa oras na matanggap ang warrant of arrest,
06:25nararapat itong ipatupad agad ng isang bansa
06:28tsaka iharap ang arestado sa Competent Judicial Authority
06:31sa naturang bansa
06:33para alamin kung tama ang proseso ng pag-aresto dito
06:37at kung nirespeto ang karapatan dito.
06:40Pero hindi nakasama ang Pilipinas sa Rome Statute
06:43matapos mag-withdraw noong 2019
06:45sa ilalim ng Duterte administration.
06:49Nang ma-aresto noong nakaraan taon si dating Pangulong Duterte,
06:52iginiit ni Pangulong Bongbong Marcos na sa Interpol
06:56nakipagtulungan ang gobyerno at hindi sa ICC.
06:59Ito rin ang sinabi ngayon ng Malacan niya.
07:01Makikipagtulungan tayo sa Interpol but not with the ICC
07:04in the same way that we cooperated with the Interpol
07:08during the areas of the former President.
07:11Yan ang po ang mangyayari.
07:12Yun po ang nangyari before at yan din po ang mangyayari ngayon.
07:16Nanindigan din ang palasyo na hindi pagsuko sa soberania
07:19ang pagtupad sa obligasyon ng bansa sa Interpol.
07:22Pero sa ngayon, wala pa namang warrant na inilalabas ang ICC
07:26sa mga pinangalanang kasabwat sa drug war.
07:30Para sa GMA Integrated News,
07:32ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
07:35Mga kapuso, maging una sa saksi.
07:38Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
07:41para sa ibat-ibang balita.
Comments