00:00Sa ibang balita, matapos ang pag-iinspeksyon sa bahagi ng Maharlika Highway
00:04mula sa Quezon Province hanggang sa Visayas,
00:07inilatag ngayon ni DPWH Secretary Vince Dizon
00:10ang kanilang hakbang para maging ligtas
00:13at maayos ang biyahe ng ating mga kababayan sa Holy Week.
00:17Ganyan din ang mga report mga ipatutupad para sa rehabilitasyon
00:21itinuturing na backbone ng ating bansa.
00:24Ang mga yan sa sentro ng balita ni Joshua Garcia.
00:30I-binahagi ni DPWH Secretary Vince Dizon
00:33ang plano ng kaagawaraan para sa Holy Week 2026,
00:36particular sa Maharlika Highway na pangunahing dinaraanan ng mga biyahero
00:39tuwing Semana Santa.
00:41Kabilang sa mga hakbang,
00:43ang agarang pag-aalis ng mga obstruction at pagtitiyak
00:45na matatapos ang lahat ng ongoing repairs
00:47sa Maharlika Highway bago sumapit ang Holy Week.
00:50Giit ni Secretary Dizon,
00:52dapat maging maayos at ligtas ang biyahe ng mga motorista
00:54sa naturang highway sa panahon na inaasahang pagdagsa ng mga biyahero.
00:58Pag nating ng Holy Week,
01:00pag nagsimula ng magbiyahe mga kababayan natin,
01:03clear yan,
01:04through and through na both ways
01:06ang traffic sa Maharlika Highway.
01:09Bukod dito,
01:11ipatutupad din ang mga pansamantalang solusyon
01:13sa mga kalsadang hindi pasakop ng repair works.
01:15Kabilang dito,
01:16ang pag-aaspalto sa mga lubak
01:18upang pansamantalang maging maayos
01:19at ligtas na madaraanan ng mga motorista.
01:22Pagkatapos ng Holy Week,
01:24sisimulan naman
01:24ang pangmatagalang rehabilitasyon
01:26ng Maharlika Highway.
01:27There are three major innovations na gagawin natin.
01:31Number one,
01:33only big contractors can join the bidding.
01:37Hindi pwedeng haw-syaw.
01:40Hindi pwedeng marigit.
01:41We have put on board foreign consultants already.
01:45Japanese, Korean.
01:46Second, use of new technology
01:49na hindi ginagamit ngayon.
01:51Ipinakita rin ni Secretary Dizon
01:53ang target na resulta ng major road network
01:55kapag tuluyan nang natapos ang overhaul.
01:57Inanunsyo rin ng kalihim
01:59na lalagdaan niya ang bagong department order
02:01na magtatakda na ang appointments
02:03at promotions ng mga opisyal ng DPWH
02:05ay magiging performance-based
02:07at hindi na nakabatay
02:08sa political referrals.
02:10Isa sa gawa rin
02:11ang pagsusuri sa kanilang performance taon-taon.
02:14Joshua Garcia,
02:16para sa Pambansang TV,
02:17sa Bagong Pilipinas.
Comments