00:00Sabit! Sabit na sa likod!
00:03Naipit sa pagitan ng truck at kasalubong na SUV ang isang nag-counterflow ng motosiklo.
00:08Ang SUV, iretso pa ang pag-abante.
00:12Naka 1 million views sa social media ang video na ito at nakarating na rin sa Land Transportation Office.
00:19Ayon si LTO, may mali ang motosiklo dahil nag-counterflow siya pero hindi na daw tama.
00:25Nag-git-gitin ng SUV ang rider dahil pwede itong masaktan.
00:30Dahil dito, nag-issue ng show cost order ang LTO sa mga may-ari ng mga sangkot na sasakya.
00:37At pinagpapaliwanag sila kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng reckless driving
00:42at kung bakit hindi dapat bawian ang lisensya o suspendihin ito.
00:46Pinasusuko rin ng LTO ang kanilang mga lisensya at nakatakdang suspendihin sa loob ng tatlong buwan hanggang dinidinig ito.
00:55Sampal, pananakit at pangungutya ang sinapit ng dalawang babae-estudyante
01:00sa magkahiwalay na insidente ng bullying sa Cagayan de Oro City.
01:04Ipiratatawag na ang mga sangkot sa insidente pati na ang kanilang mga magulang.
01:09Saksi si Sarah Hilomen Velasco na GMA Regional TV.
01:22Sinampal, sinabulutan, at sinabihan na mga masasakit na salita
01:27ang isang babaeng estudyante sa Cagayan de Oro City ng kanyang kapwa-estudyante.
01:33Sa gitna ng pambubuli, isa pang babae ang dumaan at ngumiti sa tapat ng kamera
01:40at tumabi sa biktimang sinasaktan.
01:42Ang video ng pananakit na viral na ngayon, inupload ng kapatid ng biktima online.
01:49Ayon sa pamunuan ng eskwelahan kung saan nag-aaral ang mga sangkot,
01:53hindi nangyari sa loob ng kanilang paaralan ang insidente.
01:57Sa CR daw iyon ng isang establishmento malapit doon.
02:01They have been given an invitation by the respective advisors
02:05and also the guidance counselor and my grievance committee chair also.
02:11Sinusubukan pang kunin ang GMA Regional TV ang pahayag ng magkabilang panig.
02:16Nangako naman ang pamunuan ng eskwelahan na titignan nila
02:19ang mga posibleng psychological intervention para sa mga esudyante.
02:23We cannot implement at one time all these programs,
02:26but we have been starting.
02:27Nag-start na me for the last year, 2025, and we are still doing until now.
02:35Isa pang insidente ng pambubuli ang naitala sa barangay Lapasa naman.
02:43Makikita sa video ang pagsunod ng ilang babae sa isang babaeng esudyante na nakauniforme.
02:49Dinig pa ang tawanan at pangungutsa nila sa babae habang unti-unti silang lumalapit dito.
02:55Maya-maya, paulit-ulit na hinila ang buhok ng biktima hanggang sa sabunutan at pagtulungan na nila ito.
03:05Nang matumba ang biktima, doon na nagpulasan at tumakbo palayo ang mga nanakit sa kanya.
03:11Ayon sa Barangay Council ng Lapasan, residente ng naturang barangay ang biktima at mga nanakit sa kanya.
03:18Ibinatawag na raw nila ang mga esudyanteng sangkot, mga magulang nila at opisyal ng eskwelahan.
03:24Kaya maybe kanyang mga victims o kanyang mga suspects sa bullying might have some issues sa ilang mga panimalay.
03:32Like anong abused by their parents.
03:37Muna, magigitatawag din ni kapitan.
03:39BCPC, VAUC, Barangay Executive Support and Legal Affairs Office.
03:46Patuloy ang investigasyon.
03:49Sinusubukan din namin makuhana ng pahayag ang magkabilang panig.
03:52Para sa GMA Integrated News, ako si Sarah Gilomen Velasco ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
04:0264,000 piso ang tinangay na mahold-upper mula sa magkaibigang lumuwas pa mula Baguio City para mag-apply ng
04:10security license sa Pasig.
04:13Ang mga suspect nagpanggap pa umanong polis.
04:16Saksi, si Mackie Polido.
04:20Lumuwas mula Baguio City ang magkaibigang ito patungong Pasig City nitong Martes.
04:25Ipinangako kasi ng inakalang kaibigan nila na may kakilala siya sa PNP na kayang ayusi na magka security license sila
04:32kahit walang isumiting mga requirement.
04:35Nagmamadali kasi para magka-apply agad ng guard kasi saktong may nagtatawag din sa amin. Baka makuha yung spot.
04:42Sa kanilang pagdating nitong Martes ng hapon, pinapunta sila sa isang bakanteng bahay sa barangay Pinagbuhatan.
04:48Nagkunwa rin lumabas ng bahay ang inakalang kaibigan at pagbalik.
04:53May kasama ng mga lalaki na naka-polis uniform.
04:56Tinutukan umano sila ng baril, pinagbantaan at tinangay ang baon nilang 64,000 pesos at mga cellphone.
05:03Ang pera pambayad sana sa aayusing security license.
05:07Huwag kayong nalabas. Huwag kayong nalabas.
05:10Huwag kayong nalabas.
05:10Huwag kayong nalabas kayo.
05:12Andyan na yung mobil. Antayin nyo lang.
05:14Nagpasaklolo ang mga biktima sa pinagbuhatan police substation na agad rumesponde.
05:20Kinagabihan na aresto ng Pasig Police ang anim na suspect na mga residente ng barangay Pinagbuhatan.
05:25Walang katotohan ng lahat ng binibindang sa amin mo. May bali sa koorte na lang po kami magpapaliwanag.
05:29Sinampahan na mga suspect na mga reklamong robbery, illegal possession of firearms at illegal drugs at usurpation of authority.
05:37Pero ang masaklak, hindi na naibalik sa mga biktima ang tinangay na pera.
05:41Paalala ng jepe ng Pasig Police, huwag gumamit na mga fixer.
05:45Hindi rin kailangang magpunta sa PNP headquarters sa Camp Rame para kumuha ng security license.
05:50Dahil may mga regional office na, ang PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies o SOSHA.
05:57Magpapag-transact lang po tayo sa mga legitimate na mga police offices.
06:01At iwasan po natin na magpapag-transact sa mga fixer.
06:04At ito naman mga ganit ng sitwasyon na iiwasan kung legitimate na police offices.
06:11Para sa GMA Integrated News, makipulido ang inyong saksi.
06:18Inalmahan ng ilang grupo at kabataan na binitawang payag ni Sen. Robin Padilla tungkol sa depresyon
06:24at ang pagtawag niyang weak o mahina sa mga kabataan ngayon.
06:29Sa isang social media post, sinabi naman ni Padilla na basa sa datos at hinilang opinion ang kanyang payag.
06:36Saksisi Dan o Timpungko.
06:41Marami ang napareact sa pahayag na ito ni Robin Padilla kahapon
06:45ng talakayan sa pinamumunuan niyang Committee on Public Information
06:48ng panukalang i-ban sa social media ang mga kabataan.
06:51Ang mga bata po ngayon, sad to say,
06:56huwag kayong magagalit sa akin.
06:57Ako, maraming batang magagalit siguro, pero pasensya na kayo.
07:00You are weak.
07:03Hindi kayo, katulad noong panahon namin,
07:08na hindi kami iyakin.
07:11Natuto kami, natuto kami sa kalsada.
07:16Natuto kami na huwag umupo, umiyak.
07:19Noong panahon namin, hindi uso yung salitang depression.
07:23Hindi ko nga alam yun eh, kung ano yung depression.
07:26Ngayon, batang maliig, sasabihin, I'm depressed.
07:29Nasabi niya ito matapos maungkat ang tungkol sa mga kaso ng self-harm sa mga kabataan dahil sa cyberbullying.
07:35Pero ilang kabataan ang aking nakausap may gustong itama sa mga pahayag ni Padilla.
07:40Ang pagiging vulnerable, for example, sa amin po,
07:45hindi naman po siya a sign of weakness for me.
07:47Kakaiba po tayo ng generation.
07:49So, ibig sabihin, so parang magkakaiba lang din po tayo ng way of coping po to those situations.
07:58Grabe mahina agad.
07:59Siguro naman at that time before, yung panahon nila,
08:03hindi siya na, tawag dito, nadadiagnosed.
08:07Kasi, ayun nga, mental health nga naman, hindi naman nila pinapahalagahan noon.
08:12As compared ngayon na we're really vocal about those things.
08:16It's not a sign of weakness. It's just, it's, I believe, it's also a sign of strength
08:21because the fact that you are opening about your vulnerability,
08:25it's not easy naman to open up and it takes a lot of courage and strength to speak up about
08:31it.
08:31Pinalagan din ang ilang grupo ang pahayag ni Padilla,
08:34lalo't hindi anila imbento ng bagong henerasyon ng depresyon na nararanasan nila dahil sa hinaharap nilang krisis araw-araw.
08:42Sinusubukan pa namin makuha ang panig ni Padilla.
08:45Pero sa isang post sa social media, sinabi niyang hindi lambungan ang kanilang mongkahe o opinion
08:49ng sinabing weak ang kabataan ngayon, kundi base sa datos.
08:53Kaya kung nais daw makatulong sa isyo na ito ng mga kabataan,
08:57dapat tugunan ang nakasaad sa datos at harapin ang nangyayari sa kabataan.
09:01Base sa datos ng Public Health Research Institute na Institute for Health Metrics and Evaluation,
09:07nasa mayigit labing isang milyon ang prevalent cases ng mental disorder sa Pilipinas as of 2023.
09:13Sa bilang na ito, mayigit tatlong milyon naman ang prevalent cases ng depressive disorders.
09:18Sabi ng sociologist na si Ash Presto, maaaring makaranas ng depresyon ng kahit sino,
09:23anumang edad o estado sa buhay.
09:26At hindi yan dahil sa mahina sila.
09:28Minsan walang kontrol ang isang tao sa depresyon,
09:31lalo kung dulot ito ng neurochemical imbalances o iba pang kondisyon sa katawan.
09:36Minsan ay may ambag din ang lipunan.
09:38Painting depresyon as weakness is also dangerous,
09:42especially because there are also some social aspects to depresyon.
09:46And sometimes we do also have young people who cannot be diagnosed even if they're depressed
09:53because there is actually just a lack of mental health infrastructure in the Philippines.
09:58Nakababahala raw ang komento ni Padilla kasi tila binabaliwala at minamaliit nito ang karanasan ng ilan.
10:04He also erases the other identities and demographics that do experience depression.
10:10It's very dangerous especially when we are just typifying one specific sector of the population as weak.
10:17And we are reinforcing the stigma of a particular mental condition as de facto indicator of weakness.
10:30Ayon pa kipresto, dapat magkaroon ng infrastructure at intervention para sa mga dumaranas ng mental health issues.
10:38Para sa GMA Integrated News, ako si Dano Tingkungko ang inyong saksi.
10:43Ikinagulat ng kampo ni dating Senador Bong Revilla na siya na lang ang natirang respondent sa reklamong plunder
10:49kagunoy sa maanumalya umanong mga flood control project.
10:52Nakasaad po yan sa counter affidavit ng dating Senador.
10:55Naging testigo na kasi ang iba pang pinahalanan sa reklamo
10:59na si na dating DPWH District Engineer Henry Alcantara,
11:02dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo,
11:05at dating DPWH Engineer Gerard Opulencia.
11:08Ayon sa tagapagsalita ng Department of Justice,
11:12may sinusunod na proseso para maalis ang isang respondent sa reklamo.
11:16Ang sabi naman ng Prosecutor General,
11:18kung naniniwala ang tagapagsalita ni Revilla sa kanyang sinasabi,
11:22eh dapat niya itong talakayin sa counter affidavit at hindi sa media.
11:26Pesya na na dumalo si Revilla sa preliminary investigation ng Department of Justice
11:30at nagbigay pa siya ng mensahe sa mga nag-akusa sa kanya at sa kanyang mga taga-support.
11:38Hindi ko alam kung paano nakakatulog yung mga nag-akusa sa akin.
11:42There's support, there's support.
11:44Sa ilung pag-resulta rin sa akin.
11:45Ito'y sinasabi.
11:49Palitan na ang kinatawa ng China sa Pilipinas.
11:53Yan po ang iminungkahin ng ilang Senador sa gitna ng maanghang na salita
11:57sa pagitan ng mga opisyal ng Chinese Embassy at ng Pilipinas.
12:00May panibagong tirada naman ang tagapagsalita ng Embahada ng China
12:03laban sa ilang Senador.
12:06Saksi, si Mav Gonzalez.
12:11Matapos ang palitan ng maaanghang na salita
12:14ng mga opisyal ng Chinese Embassy at gobyerno ng Pilipinas,
12:18mungkahin ng mga Senador,
12:20palitan na ang kinatawa ng China sa Pilipinas.
12:23Mas maganda kung papalitan ng someone who is more diplomatic
12:27in village with the host kind.
12:29Di na ba sinaan natin kung personal ng grata,
12:31pero he's not, I don't think he is,
12:34they are, the current embassy officials of China are improving
12:41or improve the relationship between China and the Philippines.
12:47He should not be hostile.
12:49Nandito sila sa, ano, host country.
12:51They have been very hostile against officials of our government.
12:58Bago nito,
13:00naglabas ang mga Senador ng resolusyong kumukondena
13:02sa mga sinabi ng Embahada ng China
13:05laban sa mga opisyal ng Pilipinas
13:07na nagtatanggol sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
13:11Sabi ni Senador Rafi Tulfo,
13:13hindi naman dinabantaan ng Senado ang Chinese Embassy,
13:16kaya hindi niya anya naiintindihan kung bakit agresibo sila.
13:20O baka katang-isip lang nila.
13:22The resolution is no way a threat to any members of the Chinese Embassy.
13:29Silang agresor dito.
13:30We're just expressing voice,
13:32the sentiments of the official folks
13:35na matagalang nangaharas, nabubuli.
13:36Totoo naman yung mga pinagagawa nila.
13:38Sabi ni Tulfo,
13:40dapat mag-usap ngayon ambassador to ambassador
13:42para maayos ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.
13:46Sabi ni Senador Kiko Pangilinan,
13:48punot dulo nito ay ang iligal na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
13:53Nagkaroon na ng arbitral ruling noong 2016.
13:57Ayaw nilang kilalanin.
13:58Ayaw natin silang awayin,
14:00pero ayaw din natin at hindi tayo papayag
14:03na aagawin nila
14:05at manatiling nararian sila iligal
14:08sa usapin ng ating exclusive economics.
14:12So, yung bitiw nilang salita after our resolution
14:15ay patunay talaga na isa silang bully.
14:18Bagaman hindi pumirma sa resolusyon ng Senado
14:21kontra sa mga pahayag ng Chinese Embassy,
14:24sabi ni Senador Robin Padilla
14:25na dapat maging diplomatiko.
14:29Dapat, sumunod tayo kung ano yung sinasabi ng Pangulo.
14:33Firm daw, diplomatic, hindi bastos.
14:36Kung ano man ang gawin ng Senado,
14:38amin yun.
14:39Kasi hindi naman yun.
14:41Hindi namin sinasama ang executive doon,
14:44hindi namin sinasama ang judiciary doon.
14:46Decision lang ng Senado yun.
14:49Kaya kung ano man yung position namin,
14:51walang sino man ang pwede magsabi na mali yun.
14:53Decision yun ng mga Senador eh.
14:56Pero ako, personal ako,
14:58hindi ako kasama doon sa resolusyon na yun.
15:01Kasi nga, ang gusto ko tanggalin yung
15:04sinasabi na sinusuportahan si Tariela.
15:07Ang mungkahin ng mga Senador
15:09nagmula sa bagong banat
15:10ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingping
15:13kay Senate President Tito Soto.
15:15Sabi ni Ji sa isang pahayag,
15:17kung tingin sa kanila ay bastos,
15:19ano na lang aniya ang mga Senador
15:21na nagsabi sa kanila sa plenaryo na umalis na.
15:24Sinasabihan aniya silang hindi marunong rumispeto,
15:27gayong may mga Senador na tumawag sa China bilang bully
15:30at sinabihan ang Chinese Embassy
15:32na bad guest at troll farm.
15:34Hindi ani nila sila mape-pressure
15:36sa mga pahayag o resolusyon
15:38at sasalagin ng anumang kasinungalingang
15:40sabihin laban sa kanila.
15:42Sagot ni Senate President Tito Soto
15:43sa huling tirada ng Chinese Embassy,
15:46nakakainis pag kinakanti ka
15:47at hindi ka kumikibo.
15:49Mas gusto raw niyang manginis na lang.
15:51Para sa GMA Integrated News,
15:53ako si Mav Gonzalez,
15:54ang inyong saksi.
15:56Mga kapuso,
15:58maging una sa saksi.
15:59Mag-subscribe sa GMA Integrated News
16:01sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments