• 10 months ago
PSA: Mahigit 500K residente sa Cordillera Region, single

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isaka ba sa mga nag-aasam ng organic encounter para makita na ang iyong the one?
00:07Bakit hindi subukang umakyat sa Cordillera region?
00:10Dahil batay sa datos, maraming single sa rehyon, lalo na pagdating sa mga kalalakihan.
00:18Kung ano ang kanilang dahilan, alamin natin sa ulat ni Christine Samaway ng PTV Cordillera.
00:27Ilang tulog na lang at araw na naman ng mga puso.
00:30Pero ang ilang mga kababayan natin sa Cordillera region, tila normal day lang at malamig din ang February 14.
00:38Batay kasi sa datos ng 2020 Census of Population and Housing ng Philippine Statistic Authority Cordillera,
00:45mahigit 500,000 ang naitalang single sa rehyon.
00:49Sa bilang na ito, 55% o katumbas ng mahigit 319,000 ay mga lalaki.
00:55Mas mataas kumpara sa mahigit 264,000 na kababaihang single.
01:01Ayon sa isang eksperto, may ilang dahilan kung bakit pinipili ng ilang lalaki na maging o manatiling single.
01:07Kabilang dito ang pagiging focus sa kanilang karyer, pag-aaral at pagiging financially independent.
01:13Other possible factors na pwede natin i-add as to why they would rather be single aside from yung negative
01:21or ano na experiences is
01:24independent na yung karamihan sa kababaihan financially, economically speaking.
01:30Kasi diba if you cannot provide for yourself, you cling on to somebody or to someone who will provide for
01:35you.
01:35Independent na kababaihan ngayon, women empowerment na.
01:38Samantala, pagdating naman sa mga kababaihan, ilan sa mga dahilan ng pananatiling single ay ang kanilang karanasan sa nakaraang relasyon,
01:47pagbibigay prioridad sa pamilya at ang pagpili na maging independent.
01:52Tulad na lamang ni Denzel, isang estudyante na mas piniling manatiling single para makapagfocus muna sa kanyang pag-aaral.
01:59Mas nakaka-focus kami sa studies and ourselves din.
02:04Makaka-build din nung build yourself up na parang mas maganda yung future mo, yung career.
02:11And then, ang naisip po namin is it will come once naman.
02:18Ay parang dadating din naman yung time na magkaka-relationship ka.
02:22Mas maganda rin naman yung stable ka na din with the job.
02:26Sa parehong datos ng PSA Cordillera, tinatayang umaabot naman sa 1.2 milyon ang populasyon ng mga edad 18 pataas
02:34sa rehyon.
02:35Mula sa naturang bilang, mahigit 100,000 ang nagsasama ng hindi pakasal o tinatawag na live-in partners.
02:42Samantala, mahigit 600,000 naman ang naitalang kasal.
02:46Ayon sa PSA, mahalaga ang pagpapakasal ng isang couple dahil may kaakibat itong mga binipisyo, lalo na para sa mga
02:54anak, kabilang ang legal na proteksyon at mga karapatan.
02:57Pwede pa rin naman na punta sila sa mayor at magkaroon ng civil wedding and sa judge, pwede rin.
03:06What is important is that maging valid yung kanilang pagsasama para yung magiging anak nila ay hindi makukonsider as illegitimate
03:15child.
03:16Naniniwala ang mag-asawang sina Raquel at Jessie na mas mabuti kung legal ang pagsasama sa pamamagitan ng kasal.
03:23Magpakasal, kahit paano at siba, mas maganda na maayos tayo sa harap ng Diyos.
03:29At the same time, merong blessing. Nagiging legal tayo, may blessing.
03:36Sa kabilang banda, ibinahagi naman ang mag-asawang Malu at Leo na bago sila ikasal, ay nagsama muna sila bilang
03:43live-in partners.
03:44Dito raw nila mas nakilala ang isa't isa at nasubok ang kanilang compatibility bago tuluyang nagpakasal.
03:52Kasi sa totoo lang, noong una, nag-adjust pa kami. Pero ngayon, we're getting older. Parang getting deeper and deeper.
04:04Hinihikayat ang PSA ang mga couples na hindi pakasal na makipag-ugnayan sa kanilang lokal na pamahalaan o sa munisipyo
04:10kung saan sila nakatira
04:11para maisakatuparan ang civil wedding at maging legal ang kanilang pagsasama.
04:16Samantala, batay naman sa isinagawang survey ng Social Weather Station mula November 24 hanggang 30 noong nakaraang taon,
04:23lumabas na 46% ang nagsabing lubos silang masaya sa kanilang buhay pag-ibig.
04:2840% naman ang nagsabing maaari pa silang maging masaya.
04:32At 14% naman ang nagsabing wala silang buhay pag-ibig.
04:36Christine Bornolia sa Baway para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended