Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tinalakay sa Senado kung dapat bang ipagbawal ang paggamit ng social media sa mga bata.
00:05Kasunod po ito ng ilang insidente umunod ng cyberbullying na lubhang nakaapekto sa mental health at kaligtasan ng mga minor
00:12de edad ay po sa isang senador.
00:15Saksi, si Dano Tingkungko.
00:20Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Information sa ilang panukala,
00:24kabilang sa tinalakay ang panukalang social media ban sa mga bata tulad ng ginawa sa Australia.
00:30Sinabi ni Sen. Robin Padilla na hindi raw katulad ng mga dating henerasyon,
00:34tila raw masyadong sensitibo at anya, mahina ang mga kabataan ngayon.
00:40Si Padilla ang pinuno ng komite.
00:42Ang mga bata po ngayon, sad to say, huwag kayong magagalit sa akin.
00:47Ako, maraming batang magagalit siguro pero pasensya na kayo.
00:51You are weak.
00:53Hindi kayo katulad noong panahon namin na hindi kami iyakin.
01:02Natuto kami, natuto kami sa kalsada.
01:06Natuto kami na huwag umupo, umiyak.
01:09Noong panahon namin, hindi uso yung salitang depression.
01:13Hindi ko nga alam yun eh kung ano yung depression.
01:16Ngayon, batang maliig sasabihin, I'm depressed.
01:20Walang direktang tumugon sa komentong ito ni Padilla.
01:23Pero binanggit niya ito matapos inilatag ni Sen. Rafi Tulfo sa meta,
01:27ang mga anya ay kaso ng self-harm na ginagawa o manon ng mga bata dahil sa cyberbullying.
01:32The parents did communicate to Facebook and told Facebook about what is happening to the children.
01:41The children are undergoing depression, but Facebook wouldn't listen.
01:46These kids were being abused by these adults using Facebook as the platform.
01:56And then again, the parents of these children would communicate to Meta or Facebook, but Facebook wouldn't listen.
02:04Tulad ng lahat ng stakeholders, kabilang ang mga ahensya ng gobyerno tulad ng DOH,
02:09Council for Welfare of Children, National Center for Mental Health,
02:13University of the Philippines at ilang mga social media platform,
02:17tutol din ang Meta sa total ban sa social media sa mga bata.
02:20Mas isinusulong nila ang age-appropriate protection sa mga bata na gagamit ng social media,
02:26lalo na sa mga ginagamit ito sa pag-aaral.
02:29Para sa GMA Integrated News, ako si Dano Tinkoongko ang inyong saksi.
Comments

Recommended