00:00May bago ng may-ari ang Rolls-Royce na may kasamang payong ng mag-asawang Diskaya
00:05matapos itong maisubasta sa halagang mahigit 29 million pesos.
00:11Nakatutok si Maki Pulido.
00:16Naisubasta na sa public auction ngayong araw ng Bureau of Customs
00:21ang kontrobersyal na Rolls-Royce Cullinan ng mag-asawang kontraktor na Curly at Sara Diskaya.
00:27Ito yung sasakyang binili-umanon ng mga Diskaya dahil sa libreng payong.
00:32Ang tanging nag-bid si Pio Velasco, ang founder at CEO ng Theme Park sa Baguio na Igorot Stone Kingdom.
00:40This car is historical kasi nga it opened the floodgates of the interest of the nation to this rampant corruption.
00:49Sa bid na 29 million and 26 thousand pesos niya ito nakuha,
00:53mas mataas lang ng isang libo sa floor price na itinakda ng customs.
00:58Pag-iisipan pa raw nila kung i-display ito sa theme park nila sa Baguio City.
01:02Kahit fully paid na ang nanalong bidder dito sa Rolls-Royce ay hindi pa nila ito maiuwi.
01:07Isang dahilan, kailangang maklear muna ng banko ang checking ipinambayad sa Bureau of Customs.
01:13It will still have to undergo clearance. Mag-i-issue pa ng gate pass.
01:17We'll also coordinate with LTO.
01:19Ngayon na lang sa ikatlong public bidding na ibenta ang Rolls-Royce.
01:23Failed bidding o walang nag-bid sa ipinasubastang pitong iba pang luxury vehicle na mga Diskaya
01:29maging sa dalawang Bugatti Chiron na konektado naman sa Pogo
01:32kung saan tatlo lamang ang sumaling bidder sa subasta.
01:36Dahil nakailang failed public bidding na ang apat sa mga Diskaya luxury vehicle
01:41pati na ang dalawang Bugatti Chiron.
01:43Pinag-aaral lang sa halip na muli itong ipasubasta,
01:46maaaring tumanggap na ng direct offer ang customs.
01:49Ito yung sa halip na magtakda ang customs ng presyo para sa opening bid.
01:53Ang interesado yung bibili na ang mag-aalok ng presyo.
01:56Kung ganitong fail siya ng failed,
01:58and alam nyo naman kapag tumatagal yung sasakyan sa exposed under the elements,
02:02nag-de-depreciate lang siya,
02:04we have to, baga yun yung balance na kailangan naming i-determino.
02:08Itinakda ang susunod na public auction sa February 25.
02:12Para sa GMA Integrated News,
02:14Mackie Pulido Nakatutok, 24 Horas.
Comments