00:00Maglalatag po ang Department of Migrant Workers ng Legal Nahakbang,
00:04kagnay po ng pananakit sa isang babaeng OFW sa Singapore.
00:08Sa viral video, kitang sinipa pa ng isang lalaki ang OFW sa loob ng isang mall.
00:14Saksi, si JP Suryat.
00:19Sa videong ito na viral sa social media,
00:22nakikitang nag-uusap ang lalaking ito at isang babae sa isang kilalang mall sa Singapore.
00:26Maya-maya, makikita sa video na biglang sinipa ng lalaki ang babae sa tagiliran.
00:32Nabuwal ang babae na isa palang OFW sa Singapore, pati na rin ang nanipang lalaki.
00:38Bumangon ng lalaki, sinipa muli sa ulo ang OFW, pero nakailag ang babae.
00:44Dito na umawat ang inang nakasaksi sa pananakit.
00:47Ayon sa Department of Migrant Workers, napukoy na ng labor attache ng Pilipinas sa Singapore.
00:52Ang kababayan natin nasa video.
00:55Nakausap na rin daw siya at naabisuhan na sa mga tulong na maaaring ipagkaloob sa kanya bilang Pilipino.
01:02Nag-uusap na yung ating migrant workers office labor attache in Singapore at saka yung worker.
01:09But sa ngayon, inaalam pa natin yung exact cause ng pangyayari.
01:15And of course, medical assistance is the most basic there, so pangangailangan ng medical assistance.
01:22And then of course, kung yung filing of a complaint, our lawyer will stand ready to help her.
01:27Naikwento na raw ng OFW ang pangyayari sa labor attache ng Pilipinas sa Singapore.
01:32Pero hindi raw ito maidedetalye sa publiko ngayon.
01:35Gayunpaman, wala raw puwang ang anumang uri ng pananakit lalo na sa ating mga kababayan abroad.
01:40It's a assault, physical assault. It's a crime anywhere in the world, especially in Singapore.
01:50So we definitely are looking into it and filing, taking the necessary legal action.
01:56Aabot sa may 200,000 Pilipino ang nagtatrapahaw sa Singapore.
02:01Karamihan mga household service workers.
02:03Pero dumarami na rin ang mga skilled at professional workers sa mga nakalipas na taon.
02:08Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, ang inyong saksi.
Comments