00:00Tinawag ng Pangulo na political move at walang basihan ang dalawang impeachment complaint na inihain laban sa kanya
00:08at i-declare ng insufficient in substance ng House Committee on Justice.
00:13Nakatutok si Jonathan Andal.
00:18I'm glad that the impeachment complaints against me have been finished.
00:25Unang beses ito na nagkomento si Pangulong Bongbong Marcos tungkol sa mga inihain impeachment complaint laban sa kanya.
00:33Kasunod yan ang pagdideklara ng House Committee on Justice sa mga reklamo bilang insufficient in substance.
00:38I wasn't very worried because I saw the impeachment complaint and I knew that I would be alright in terms of the impeachment
00:48kasi wala naman, there were no real grounds for the impeachment. It was a political move.
00:54We can get on with our work because these things are distractions from the things that we were doing.
01:00Dumistansya naman ang Pangulo ng tanungin kaugnes sa impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.
01:06I have no reaction. Hindi ko trabaho yan. Trabaho ng House.
01:10Babayaan mo silang magtrabaho. I'm sure they will handle it properly.
01:14Kaninang umaga, nasa Maynila ang Pangulo para sa groundbreaking ng itatayong pamantasan ng lungsod ng Maynila College of Allied Health Services Building.
01:23Sa lokasyon ng isang pasilidad ng Hospital ng Maynila.
01:27Pag binuksan na ito, aabot sa limang libong medical students ang pwedeng mag-enroll kumpara sa dating tatlong daan lang.
01:34On behalf of the people of Manila, we wish you good health.
01:40We wish you to be successful.
01:43And we will continue to support in our own little way.
01:46In-anunsyo rin ng Pangulo ang paglulunsad ng bagong science courses sa PLM, ang Medical Technologies at Radiologic Technologies.
01:54Ipinagmalaki rin ng Pangulo na naglaan ang pamahalaan ng 500 bilyong piso sa sektor ng kalusugan ngayong taon.
02:01Matid natin ang mga pagsubok na pilit na hinaharap ng ating mga kababayan.
02:07Kulang ang akses sa servisyong medikal.
02:10Kulang sa modernong teknolohiya at pasilidad sa mga ospital.
02:14Kulang mga healthcare center at healthcare worker sa ating mga bayan.
02:19Nananawagan ako sa ating mga kababayan.
02:22Samantalahin ninyo ang mga programang ito upang mapangalagaan ang inyong mga sarili.
02:27Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
Comments