00:00Nasa tanggapan na po ni House Speaker Boji Di
00:02ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte
00:06ayon kay House Secretary General Celoy Garafil.
00:09Kahapon po ng hapon daw ipinadala ni Garafil
00:12ang dalawang impeachment complaints sa tanggapan ng House Speaker.
00:16Parehong isinampa ang dalawang impeachment complaints
00:18laban sa Bise nitong Lunes, February 2.
00:22Ang una ay inihain ng Makabayan Coalition
00:24habang ang ikalawang reklamo ay inihain ng ilang civil society groups.
00:30Kasunod ng transmittal, may sampung session days
00:32ang House Speaker para isama sa order of business ang mga reklamo.
00:37Pagkatapos, kailangan itong ma-refer sa House Committee on Justice
00:41sa loob ng tatlong araw.
00:43Nauna nang sinabi ng abogado ni D.P. Duterte
00:45na handa silang harapin ang panibagong impeachment complaints.
Comments