00:00Tama na ang paghihintay at pagdidribol.
00:03Yan ang binigandiin ni Sen. Risa Ondiveros sa naging pagdinig ng Senado
00:08hinggil sa mga panukalang nagnanais tuldukan ang political dynasty sa bansa.
00:14Yan ang ulit ni Gab Villegas.
00:18Nagsimula ng umarangkada ang 6 na panukalang batas na layong tuldukan
00:22ang pagkakaroon ng political dynasty sa bansa.
00:25Sa pagbubukas ng pagdinig kanina,
00:27sinabi ni Sen. Committee on Electoral Reforms Chairperson Risa Ondiveros
00:31na nagpapahina sa checks and balance at nawawala ng pananagutan
00:34pagdating sa paggasta sa pondo ng taong bayan ang pagkakaroon ng political dynasty.
00:39Mahabang panahon na rin anya na hindi nabibigyan buhay ang probisyon na nagbabawal
00:43sa political dynasty na nakapaloob sa ating saligang batas.
00:47Tama na ang paghihintay at pagdidribol.
00:50Para naman kay Atty. Christian Monsod,
00:52isa sa mga framers ng 1987 Constitution,
00:56dapat maging sakop ng panukalang batas ang lahat ng elective position sa pamahalaan
01:00mula sa Pangulo hanggang sa Barangay Kagawad.
01:02The Barangay should not be bothered by the intrusion again of the dynasties in the country.
01:16Let us leave it to the poor.
01:19Most of it is poor.
01:21I think it's time that we bring the Barangay into the picture
01:26and exempt it also from the intrusion of the dynasties in the Philippines.
01:38Para kay Sen. Erwin Tulfo,
01:40na isa sa naghaay ng panukala at may mga kamag-anak na nakaupo sa pwesto,
01:44naniniwala siya na napapanahon ng ipasa ang panukalang batas
01:48para lalo pang mapalakas ang demokrasya sa bansa.
01:50Maging patas ang laban at nakabatay ang pamumuno sa merit,
01:54tunay na paglilingkod sa halip na pangalan at pinagmulang angkan.
01:57Ayon pa kay Tulfo,
01:58hindi dapat ipinamamana ang pwesto sa pamahalaan
02:01bagkos nakabatay ang kanilang pagkakahalal sa tiwala ng taong bayan.
02:06Sa oras na maipasa at maging ganap na batas,
02:08ang anti-political dynasty bill ay anda sila na tumalima sa pagpapatupad nito.
02:13No individual, no family, no institution should be above the law.
02:18This discussion should not be about who we are related to,
02:24but about the kind of political system that we want to leave to future generations.
02:31One that encourages fresh leadership, accountability,
02:36and equal opportunity for all Filipinos who wish to serve.
02:41Naniniwala naman si Sen. Kiko Pangilinan
02:44na ang pagtalakay sa anti-political dynasty bill ay napapanahon.
02:48Hindi anya makatarungan at hindi demokratiko
02:50ang pagtakbo ng mga kandidatong mula sa mga dinastiya
02:53para kalabanin ng ilang kandidato.
02:56Bibigyan po ang dinit nito ang may kakayahan at tunay na may malasakit sa paglilingkod bayan.
03:03Level the playing field, ika nga.
03:05Bibigyan po ang ika nga'y new blood para sa new old problems,
03:11di lang ng bansa kung hindi ng ating buong mundo.
03:14Binanggit sa pagdinig na isa sa mga magandang halimbawa
03:17ng pagpapatupad ng anti-political dynasty provision sa bansa
03:21ay ang SK Reform Act na nagbabawal tumakbo ang mga kandidato
03:24sa sangguniang kabataan na mayroong mga kamag-anak
03:27sa second degree of consanguinity and affinity
03:30na nakaupo sa alinmang national o local position.
03:33Inihalimbawa rin ang Bangsamoro Organic Law
03:36kung saan nagbabawal sa mga nominado ng mga regional political party
03:39na tumakbo dahil sa pagkakaroon ng mga kamag-anak
03:42na nasa pwesto within second degree of consanguinity or affinity
03:45layo ng probisyon na wakasan ang pag-ahari
03:48ng mga political kingpin at warlord sa regyon.
03:51Para naman sa komisyon ng elections,
03:53supportado nila ang panukalang anti-political dynasty bill.
03:56Aminado ang komisyon na mayroon pang mga butas ang batas
04:00payo ng COMELEC sa mga magkakamag-anak na nasa pwesto
04:03sa oras na maging ganap itong batas.
04:05Ang sasabihin po nila, in good faith sila, etc. etc.
04:10So before sana silang tumakbo,
04:11tingnan muna nila kung sinong tatakbo mga kamag-anak nila.
04:14Good faith cannot be a defense.
04:16In the final analysis,
04:17an election offense is a malong prohibitong
04:19and therefore good faith cannot be a defense.
04:22Magsasagawa pa ang komite ng mga public consultations
04:25sa Pasig City, Laguna, Maculod at Cagayan de Oro
04:28para ipagpatuloy ang talakayan sa anti-political dynasty bill.
04:32Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.