00:00Ineuro po sa February 27 ang pre-trial para sa mga kasong kinakaharap ni Sarah Descaya
00:05at sham na iba pa dahil sa maanumalya umanong flood control project sa Davao Occidental.
00:11Saksi si Joseph Moro.
00:17Kanina dapat ang pre-trial sa RTC Branch 27 sa Labo-Lapo City ng mga kaso labang kina Sarah Descaya,
00:23Executive Officer ng St. Timothy Construction na si Maria Roma Rimando at walong opisyal ng DPWH.
00:30Kaugnaya ng paglabag sa Anti-Graphic and Corrupt Practices Act at Malversation of Public Funds
00:35dahil sa maanumalya umanong 96.5 milyon pesos na flood control project sa Davao Occidental.
00:42Pero ipinagpaliban ang pre-trial sa February 27.
00:45Sa pagdinig kanina pansamantalang pinagbigyan ng korte ang hiling ng kampo ng mga akusado na via video conferencing na lamang
00:53ang kanilang pagdalo sa mga susunod na pagdinig dahil daw sa kanilang siguridad.
00:58Inutusan din ang korte ang prosekusyon na tapusin ang paglalagay ng markings sa mga dokumento magsisilbing ebidensya.
01:05Sinubukan ng GMA Integrated News na kunin ang pahayag ng kampo ng mga akusado pero tumanggi sila.
01:11Hindi rin nagbigay ng karagdagang detalye ang Visayas Ombudsman.
01:14For your attention na nagfocus doon mo sa kanyang corruption cases but in difference to our central office
01:23we were given orders to let them give kanabit ang mga press releases.
01:33So I'm sorry I cannot say anything about the case.
01:38Di rin ginaman ang petition for bail na inihain ang mga akusado pagkatapos ng pre-trial.
01:43Ang walong luxury vehicle sinasara Diskaya at asawang si Pasifiko
01:47ipasusubasta ng Bureau of Customs sa February 11.
01:51Isa rito ang Rolls Royce na sumikat dahil sa payong nito.
01:55Inaalok na ito ngayon sa 29 million pesos.
01:58Pinili ng BOC na isubasta pa rin ito kahit pwede na itong i-direct offer.
02:02Mas less questions. We are trying to avoid actions that would cast doubt.
02:08Ang mga sasakyan ng mga Diskaya bahagi ng 4 billion pisong halaga ng mga ari-arian
02:13na hinahabol ng Technical Working Group na binuo ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
02:20Bahagi yan ng 24.7 billion pesos na asesori-arian ng 140 individual
02:27at attundaang korporasyon na sangkot sa flood control scandal.
02:32Kaya hiniling na ng Anti-Money Laundering Council o AMLC na i-freeze.
02:36Pinag-usapan na ng TWG kung anong mangyayari sa paghahabol kung sakaling buwagin ang ICI.
02:43Pero sa ngayon tuloyan niya ang trabaho.
02:45Each individual agencies na mag-disengage or for example naman halimbawa mag-sisist to exist
02:55that the TWG's work would still continue because we discussed amongst ourselves
03:00na what we do here would also be valuable for other agencies like the Sandigan Bayan, the Ombudsman.
03:09I think it was designed to exist outside the ICI.
03:12Sabi ng Justice Department, maaari pa rin ituloy ang forfeiture o pagbawi sa mga ari-arian
03:18kahit wala na ang ICI.
03:20Ang position kanina, what was agreed upon is that the work never ends
03:23despite the ICI being dissolved, if that even happens.
03:27Sabi dati ni ICI Special Advisor Retired General Rodolfo Azurin
03:31nasa Pangulo na kung ipatutuloy pa niya ang trabaho ng ICI.
03:36Pero sabi ngayon ng Malacanang, depende na raw yan sa ICI.
03:40Kasi independent commission sila. So ang magiging desisyon nila, doon lang po ang Pangulo.
03:45Sa mga orihinal na commissioner ng ICI ay tanging si ICI Chairman Retired Justice Andres Reyes Jr. na lamang ang natitira.
03:53Wala pang pumalit sa mga nagbitiw na commissioner.
03:56Sabi ng Malacanang nasa ICI kung gusto pa nila ng mga bagong commissioner.
04:01Independent body po kasi ang ICI.
04:03So ayaw po makilam ng Pangulo kung ano po ang magiging desisyon nila.
04:06Kung ang desisyon po nila ay gusto nila na makaroon ng palibagong miyembro, sabihin naman po nila sa Pangulo.
04:12Hinihingan pa namin ang pahayag si Reyes at ang ICI.
04:16Para sa GMA Integrated News, ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
04:21Mga kapuso, maging una sa saksi.
04:24Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
04:28Mag-subscribe sa GMA.
Comments