Skip to playerSkip to main content
  • 1 week ago
Survivor sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3, ibinahagi ang malagim na trahedya na kanilang sinapit | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Samatala, ikinwento ng isang nakaligtas sa lumubog na MV Tricia Kirsten III
00:04ang malagim na trahedya na kanilang sinapit.
00:08Yan ang ulat ni Gab Villegas.
00:11Ibinahagi sa PTV News ng isa sa mga survivor,
00:15ang 62 taong gulang na si Norjusin Sali
00:18ang kanyang kwento sa paglubog ng MV Tricia Kirsten III
00:22sa katubigan sakop ng Basilan noong madaling araw ng January 25.
00:27Ayon kay Norjusin, maganda ang panahon ng umalis ang Roro mula sa Mpunga City
00:32patungong hulo sa Sulu.
00:34Noong nagtungo sa palikuran si Norjusin, napansin na niya na mayroong sira ang Roro.
00:39Doon sa sira yun, mayroong isang tires na nakauka.
00:44Ako baka mapagsakan yung pako.
00:47Noong tinanggal ko, nakita ko ang barko.
00:50Noong tinusok po yung saka ng kamay ko,
00:52lumusot yung kamay ko doon sa dingding ng CR, lumusot.
00:59So napagtanto ko sabi ko ang barko na ito bulok.
01:02Napansin rin ni Norjusin na bulok rin ang ilan sa mga kagamitan ng Roro
01:06na maaari sana makapagligtas sa buhay ng mga kapwa niya pasahero.
01:11Nakarinig na siya ng kalabog sa Roro at inihinala niya na overloaded ang kanilang sinasakyan.
01:17Dito ay ginising na niya ang kanyang tsahin, dalawa niyang kapatid, pinsan at kanyang abogado
01:22para kunin ang life jacket.
01:24Nahirapan rin ang iba pang pasahero na kunin ang kanilang life jacket.
01:28Pagkalabas nila sa loob ay tumagilid na ng 95 degrees ang barko.
01:33Dahilan para sila ay lumambitin.
01:35Split seconds, dumating yung pumasok naman ba yung tubig.
01:39So, kasama ko, ako, kapatid ko siya, sakatsayahin ko, bumulosok kami hanggang sa iba ba.
01:47Hila-hila kung kapatid ko, hihilain ko siya.
01:50Ang last words niya sa akin, sabi niya,
01:55Tol, huwag mo akong pabayaan, isave mo ako.
01:58Hila-hila kung hindi ko siya mahila, siguro naipit yung paan niya sa grills, kaya hindi ko siya mahila.
02:05Nung bumitaw na siya sa akin dahan-dahan, sabi ko, wala na. Nalunod na yung kapatid ko.
02:10Namatay sa paglubog ang kanyang tsahin at kanyang kapatid.
02:13Na-retrieve ng mga otoridad ang labi ng kanyang kapatid at tsahin apat na araw matapos ang paglubog ng Roro.
02:20Nagpalutang-lutang sila ng tatlong oras sa gitna ng dagat
02:23at nakaligtas siya matapos kumapit sa life raft ng Roro vessel.
02:28Labing liman taon na rin sumasakay ng mga barko ng Allison Shipping Lines
02:33si Norosin dahil sa pagiging trader.
02:35Namigay na rin umano ang pamunuan ng Allison Shipping Lines
02:39ng financial assistance sa mga survivor na nagkakahalaga ng aabot sa 30,000 piso.
02:45Nung binasa ng ator niya namin, parang trap siya.
02:49Kasi papermahin ka doon,
02:52bigyan ka lang 30,000, kahit na magsampa ka lang ng kaso, wala na. Nakaperma ka na.
02:56Sinabi ni Norosin na wala siyang sinisisi sa nangyari,
03:00pero hanggang ngayon, ramdam pa rin niya ang trauma mula sa insidente.
03:04May panawagan naman si Norosin sa pamunuan ng Allison Shipping Lines.
03:09Dapat may mananagot.
03:10Ang paglubog sa amin, hindi aksidente.
03:14Parang sinadya.
03:15Bakit ko na sabi hindi aksidente?
03:17Bakit sinadya?
03:18Alam nila, ang barko na yun ay bulok.
03:20Bakit kayo panasakay?
03:22Ang barko na yun, ang unang biyahe nila papuntang Tawi-Tawi.
03:27Alam na ng taga-Tawi-Tawi na ang barkong bulok,
03:30wala nang sumasakay doon sa barko na yun.
03:32Sa pinakuling tala, aabot na sa 42 ang bilang ng namatay
03:36sa paglubog ng MV3 Shuckers 10-3
03:38habang nananatili pa rin sa 316 ang bilang ng mga survivor.
03:44Nauna nang sinabi ng Maritime Industry Authority o Marina
03:48na pag-aaralan nila ang mga salaysay ng mga survivor
03:51na tulad ni Nano Rosin na kulang ang life vest.
03:54May nawawalang pangalan ng mga pasahero sa manifesto ng Roro Vessel
03:58at replacement tuman o ang lumubog na Roro para sa isa pambarpo.
04:03Gab Villagas para sa Pambansang TV sa Bagong Tribinas.
Comments

Recommended