00:00Nagbabala ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa paglaganap ng Love Scam na yung Love Month.
00:07Inilatag ng CICC ang iba't ibang modus na ginagamit para makapanloko.
00:12Ang detalye sa report ni Gab Villegas.
00:17Ngayong Febibig Month, pinag-iingat ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center o CICC ang publiko dahil sa paglipana ng mga Love Scam.
00:26Ayon kay CICC Executive Director Renato Paraiso, kalimitang mga single na nagahanap ng banyagang partner, mga financially stable ng mga individual, mga babae na napipressure ng lumagay sa tahibik, mga lalapin takot sa rejection at mga solo parent na nagahanap ng katuang sa buhay ang kalimitang biktima ng mga scammer.
00:45Gumagamit na rin ang mga ito ng artificial intelligence para lalo pang makapambiktima.
00:50Nagiging biktima tayo because Filipinos are oversharing when it comes to their experiences, when it comes to their feelings.
00:56Malungkot ka lang, ina-announce mo na sa buong mundo malungkot ka.
01:00Bago pa tayo kumain, kailangan may picture muna na, di ba paggutong na, naggutong ka na, hindi ka pa makakain dahil pipicture ang pagkain.
01:06We are living in an age, in a world right now that is very, that makes us very vulnerable and the way to fight back is to educate ourselves, not only with the technology but how we will be victimized.
01:18Ilan sa mga uri ng love scam sa bansa ayon naman sa grupong Scamwatch Pilipinas ay ang Sad Boy Sad Girl,
01:25kung saan magkukwento muna ng nakakalungkot o trahedya na kwento ng buhay para kaawaan bago manghiram o humingi ng pera.
01:33Susunod naman ay ang Seducer kung saan gagamit ang Scammer ng nakakaakit ng profile photo.
01:39Dito ay makakapagbahagi o makakahingi ng pribadong informasyon at magiging sekswal na ang tono ng pag-uusap hanggang sa hihingi na ang Scammer ng hubad na larawan.
01:48Sunod naman ay ang Investor kung saan magpapanggap ang Scammer bilang isang banyaga na may marangyang pamumuhay,
01:55kung saan sila ay isang sagot na nakabatay sa script at hihikayatin na ang biktima para mag-invest sa foreign exchange o cryptocurrency.
02:03Ang servicemen naman ay nagpapanggap ng mga middle-age ng mga banyaga na militar na naka-assign sa Asia o gitna silangan
02:10na naghahanap ng partner kung saan target ang mga middle-age ng mga babae at hihingan ng pera.
02:16Kalimitan namang nabibiktima ng mga escort ang mga middle-age na kalalakihan na naghahanap ng panandaliang aliwok
02:23kung saan gumagamit ang mga Scammer na sexy na profile photo.
02:26Magiging open-minded sa mga usapan at magsisend na ng mga sexy o hubad na mga larawan.
02:32Bago pa ang meet-up, mangihingi ang Scammer ng pera sa kanyang biktima.
02:36Dahan-dahan namang hinihingi at iwala ng mga Scammer na tinatawag na slow burn ang kanilang bibiktimahin sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan.
02:44Ngunit iniiwasan nito na makipag-meet-up at kalaunay mangihingi o manghihiram ng pera.
02:50Ayon sa CICC, aabot sa 123 kaso ng love scam ang kanilang natanggap noong nakarang taon.
02:56Kusaan kalahati sa kabuang bilang ng mga kaso ay galing sa National Capital Region.
03:01Kalimitan sa mga messaging sites tulad ng Telegram at WhatsApp ng bibiktima ang mga Scammer
03:06at may mga edad 18 hanggang 29 ang kalimitan biktima ng love scam.
03:10Aabot naman sa 20 million pesos ang halaga ng pera na nanakaw ng mga Scammer mula sa mga biktima.
03:17May payo naman ang grupo lalo na para sa mga gumagamit ng dating app.
03:21So kapag walang check mark at photo verification, huwag nyo pong patulan.
03:25So yun yung number one.
03:27And then the other one, yung sinasabi ko nga, i-video call nyo.
03:31Video call nyo nang matagal, paulit-ulit.
03:33That's the second one.
03:34The other one kasi, hindi ito applicable sa LDR or kung may pera kayo, puntahan nyo.
03:39I-meet nyo na agad.
03:41At pag-i-meet nyo na, makipag-eyeball na kayo kaagad.
03:44At hindi po masamang humingi ng ID sa first date nyo.
03:49Nanawagan ng CICC at Scamwatch Pilipinas na i-report ang mga cybercrime-related incidents
03:55sa pamamagitan ng pagtawag sa numero 1326.
03:59Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments