00:00Samantala ay sinapubliko na ng Coast Guard Southern Mindanao ang pangalan ng 16 na sakay ng lumubog ng recreational banka sa Davao Gulf.
00:09Ang detalya sa report ni J.C. Aliponga ng PTV Davao.
00:16Mahigit dalawang linggo matapos i-report na nawawala ang MBCA Amihara sa Davao Gulf.
00:22Opisyal nang inilabas ng Coast Guard Southeastern Mindanao ang mga pangalan ng 16 na indibidwal na sakay ng lumubog na banka sa karagatang sakop ng Gov. Generoso Davao Oriental.
00:36Kabilang sa mga ito, si Patrosinio Gineta III ang boat captain kasama ang tatlong crew ng recreational banka na sina Homer Bordado Bulasa, Christian Ginita II at Christopher Bulig.
00:51Si Bulig naman ang nag-iisang survivor sa ngayon ng ensidente.
00:56Batay sa manifesto, siyam na pasahero ang sakay ng MBCA Amihara na kinabibilangan ng mga nabanggit na pangalan.
01:05Sila Porferio Lanorias Jr., John Julius Alcazar, Stephen Angtan, Hector Embergang, Erlan Oikin, Anthony Banzale, Mark Leve Apayaw Lau, Herwin Tan o Ace Cortez.
01:22Mayroon din tatlong pasahero na hindi nakalista sa manifest.
01:26At ito ay sina Raymark Napuli, Ramel Floreno at Rogelio Gomez.
01:32Sa kabuan, 60 na sakay, 6 ang bangkay na na-recover ng mga otoridad.
01:38Apat sa mga ito ang positibong nakilala.
01:42At ito ay sina John Julius Alcazar, Porferio Lanorias Jr., Ramel Floreno at Hector Emberga.
01:51Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang koordinasyon ng Philippine Coast Guard, Office of Civil Defense at Department of Social Welfare and Development
02:01para sa pagbibigay ng tulong at updates sa mga pamilya ng mga biktima.
02:06Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang search and rescue operations para sa siyam na nawawalang sakay ng MBCA Amihara.
02:14Samantala, apiktado na rin ang mga biyahe ng mga motorbanka sa Davao City dahil sa sunod-sunod na water accidents na naganap ngayong buwan.
02:25Ayon kay Ricky, isang motorman na bumabiyahe mula Davao patungo sa Mal Island,
02:31kapansin-pansin ang pagbaba ng bilang ng pasahero simula na mangyari ang mga aksidente sa dagat.
02:38Kung dati, tatlong beses sa isang araw ang biyahe niya mula Santa Ana Wharf patungo sa Mal dahil sa dami ng pasahero.
02:47Sa ngayon, isa o dalawang biyahe na lamang sila kada araw.
02:51Hindi ka na itong nalunod.
02:54Katapong mga fake news na mga nanggawa sa social media.
03:00May audio kayong pasahero karoon.
03:02Samantala, sinabi rin ni Jade, isang crew na nag-ooperate ng motorbanka para sa island hopping sa Samal Island,
03:10na bumaba rin ang booking sa mga nakalipas na araw.
03:13Anya, dati ay araw-araw silang tumatanggap ng maraming booking.
03:18Ngunit ngayon, kahit tuwing linggo, dalawa o tatlong biyahe na lamang ang kanilang nagagawa dahil sa kakaunting pasahero.
03:26Sa ngayon, nagpapatuloy ang mahigpit nagpagbabantay ng Coast Guard District Southeastern Mindanao.
03:40Sa lahat ng sakayang pangdagat, kabilang ang patuloy na pagbibigay ng paalala at abiso, lalo na sa mga lalayag sa dagap.
03:48Mula dito sa Davao City, JC Aliponga para sa Bangbansang TV sa Bagong Pilipinas.