Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

šŸ—ž
News
Transcript
00:00Sugatan ang driver at pahinante ng isang truck na bumanga sa concrete barriers at posta ng kuryente sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
00:08May unang balita live si James Agustin. James.
00:15Susan, mayigit limang oras na, hindi pa rin natatanggal yung naaksidenteng dump truck dito sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue.
00:22Nakaupo ang mga sugatan driver at pahinante ng abutan ng mga rescuers sa bahaging ito ng Commonwealth Avenue sa Quezon City mag-aalauna na madaling araw.
00:34Ang sinasakyan nilang dump truck, bumanga sa apat na concrete barrier at posta ng kuryente.
00:39Dito po dumiretso itong naaksidenteng truck at huminto lamang yan matapos maipit sa pagitan nito nakaparad ng heavy equipment at pader ng ginagawang MRT-7.
00:49Buti na lang hindi tinamaan ang lalaking nagbabantay ng heavy equipment.
00:52Na nakatayo sa gilid ng pader.
00:54Nakatayo ako po dyan kanina tapos biglang pumasok.
00:58Tapos pumunta ako dun sa likod, pinulat po yung mga bato.
01:01Tapos salamat po ako, hindi po ako nabangga.
01:04Sa lakas ng impact na basag at tumalsik ang windshield ng truck, natumba rin ang mga barrier.
01:09Bagyang tumagilid ang posta ng kuryente.
01:11Ang pahinante ng truck tumilapon daw kaya nagtamu ng mga sugat sa ulo at binti.
01:16Nagasugat naman sa mga braso ang driver.
01:18Isinugod ang dalawa sa ospital.
01:20Galing ang truck sa pampanggat, kukuha sana ng graba sa Rizal.
01:24Base sa payag ng driver sa mga respondeng taon ng MMDA.
01:27Naka-iglit daw siya habang nagmamaneho.
01:29Patuloy ang imbisigasyon ng QCPD Traffic Sector 5.
01:32Samantala Susan, tulad doon nakikita nyo, nandito pa rin po itong na-accidenting truck na ito.
01:42At wasak na wasak yung harapang bahagi niya.
01:44At nakaipit pa dito sa pagitan na nakaparad ng heavy equipment.
01:48At pader ng ginagawang tandang Sora Station ng MRT-7.
01:51At kanina po, bago mag-alas 5 ng umaga, dumating dito yung mga tauhan ng Meralco.
01:55Naglagay na muna sila ng suporta dito sa nakatagilid na poste ng kuryente.
02:00Nakausap natin yung engineer at doon sa inspeksyon nila.
02:03Kinakailangan napalitan yung buong poste ng kuryente.
02:06Tatagal pa po ng ilang oras yan.
02:08At naghihintay pa sila ng iba pang gagawa ng mga tauhan ng Meralco dito sa lugar.
02:13Hindi naman po nakaka-apekto yan sa daloy ng trapiko dito sa eastbound lane ng Commonwealth Avenue ngayong umaga.
02:18Dahil maluwag pa naman po yan, ito kasi yung lane na patungo sa area ng Fairview.
02:23Yan ang unang balita mula rito sa Quezon City.
02:25Ako po si James Agustin para sa JMA Integrated News.
02:28Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:30Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended