00:00Dismayado si DPWH Secretary Vince Dizon sa ilang proyektong pang-infrastruktura na in-inspeksyon niya sa SAMAR.
00:08Kabinang po dito ang bahagi ng Maharlika Highway na tagtad ng butas at lubak.
00:13Saksi si Darlene Kai.
00:18Puno ng butas, lubak at putik ang bahagi ng Maharlika Highway sa SAMAR ng daanan ni na Public Works Secretary Vince Dizon.
00:25Kinailangang patuloy magdahan-dahan sa pagpagdas sa kalsada.
00:28May parte pang isang lane lang ang nadaraanan kaya stop-and-go scheme ang sistema.
00:33Ito na yung sinasabi sa atin na isa sa mga pinakawasamang segments ng buong daang Maharlika.
00:42So yun na, na-experience natin.
00:44Tagakang ano eh, hindi na nga highway, dirt road.
00:47Maragang, maragang, halos.
00:49Maragang ng mga butas, ang takbo natin, halos 5 kilometers na siguro.
00:54Hindi lang takaw-disgrasya, nagdudulot din ang traffic ang ilang dekada na umanong problema ng ilang tagasamar dahil sa pangit na kalsada.
01:02Every time na umuwi kami, instead na mapadali yung biyahe namin, mas napapatagal dahil nag-iingat kami dahil sa lubak-lubak na daanan.
01:12Kasi, tuwing uwi na lang po namin, parang may binabaklas lagi sila sa daanan.
01:20Tapos, pagkatapos nun, iiwan na lang din po nila.
01:25Mahigit 200 kilometro ng Maharlika Highway ang nasa Samara ayon sa provincial government.
01:30Kaya inihiling nilang akma sana para sa lugar ang disenyo at materyales na gagamitin para sa rehabilitation ng highway.
01:35Nasamahan po natin nung drainage system kasi the last time po na nakita po namin yung design na ginawa,
01:45as what I heard, Dubai design po ang ginamit.
01:49And we all know na yung Dubai, once a year lang po inuulan or twice a year.
01:55Dito po sa amin, wet and very wet po ang situation.
02:00So we're hoping po na maayos po talaga to.
02:03As to the road right of way problem, especially dun sa mga nag-i-encroach,
02:10rest assured po, SEC, natutulong kami sa province para mas ma-fast track.
02:17Mahigit 3,500 kilometro ang Maharlika Highway na bumabagtas sa Luzon, Visayas at Mindanao.
02:23Pero sa tansya ni Public Works Secretary Vince Dizon, 30% lang ng Maharlika Highway ang sira.
02:28Ang problema mo dun sa 30%, marami dun sirang-sira.
02:33So yun ang, at every year nasisira, yun ang problema.
02:38Kailangan ayusin na natin ito ng tama.
02:41Tama si Governor, pati yung drainage.
02:44Kasi ang number one kaaway ng kalsada e tubig.
02:47Yun ang number one kaaway.
02:49Kung walang drainage o sira ang drainage o barado ang drainage, talagang masisira ang kain.
02:55Sa pag-i-inspeksyon ni Dizon sa ibang infrastructure project sa Samar, ikinadismaya niya ang inabutan sa konstruksyon ng Kalbayog Coast sa bypass road na sinimulan noon pang 2019.
03:05Hindi daw kasi kumuha ng official clearance ang District Engineer sa Philippine Ports Authority para sa pagtatayo ng bypass road na dadaan sa Kalbayog Port.
03:12Una, alamin ko muna bakit hindi sila sumunod sa proseso.
03:15Was it merely a oversight or negligence?
03:22But what's important is at least hindi na madidelay yung proyekto.
03:27Kasi yun ang, and wala nang dagdag na pondo pang kailangan ilagay.
03:30Bukod sa mga nagpapatuloy na investigasyon at pagbuo ng mga kaso sa mga maanumalyang proyekto ng gobyerno,
03:36mahalaga rin daw na masigurong tuloy-tuloy na masasayos at matatapos yung mga infrastructure projects na kailangan ng mga mamamayan,
03:44tulad na lang nitong nasirang Gandara Bridge sa Samar.
03:47Pinabibilisan na rin ni Tizon ang paggawa sa Gandara Bridge na nasira noon pang 2020.
03:52Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
04:00GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments