00:00Nakabalik na sa Maynila ang 15 crew ng lumubog na cargo vessel na MV Devon Bay
00:05kasama ang labi ng dalawa nilang kasamahan na nasawi sa insidente.
00:10Patuloy naman ang search and rescue operations para sa 4 pang nawawalang crew,
00:14kabilang ang kapitaan ng barko na itinuturing na isang bayani matapos hindi abandonahin ang kanyang mga kasamahan.
00:22Si Bernard Ferrer sa Sentro ng Balita.
00:24Pasado las 5 ng umaga, nagdumaong sa Pier 13, Port Area sa Maynila,
00:30ang BRP Teresa Magbanua ng Philippine Coast Guard.
00:34Sakay nito ang 15 Pilipinong crew ng cargo vessel na MV Devon Bay.
00:38Kasama rin ang labi ng dalawa nilang kasamahan na nasawi sa paglubog ng barko.
00:42Nangyari ang insidente noong 22 Enero, may 141 nautical miles sa kalura ng Sabangan Point, Agdo Bay, Pangasinana.
00:49May kargang humigit kumulang 55,000 metric tons na nickel ore, ang MV Devon Bay,
00:55nang umalis nito sa Gotalax, Ambuanga del Norte, patungo sa Yangjiang, China.
01:00Kabuang 21 Pilipinong crew ang sakay ng barko.
01:02Sa search and rescue operations, labing pito ang nasakip.
01:06Tinayak ng Philippine Coast Guard na magpapatuloy ang search and rescue operations
01:09sa pamamagitan ng BRP Cape San Agustin at TCG Islander Aircraft,
01:13upang matukoy ang kinalalagyan ng apat na nawawalang crew,
01:17kabilang ang mismong kapitan ng barko na pinuri sa kanyang kabayanihan.
01:21Isa pong inspirasyon sa bawat marino na makita na ang iyong leader, ang iyong kapitan,
01:27ay hindi nauunang tumakas sa sakuna.
01:32Nagpahayag din ang pasalamat ang Philippine Coast Guard sa China Coast Guard
01:35sa tulong na ibinigay sa rescue and recovery operations.
01:38We thank the China Coast Guard for also listening to our call
01:43for conducting the search and rescue operations themselves
01:46and for the very orderly handover of the survivors and the deceased persons.
01:52Sa inisyal ng investigasyon, lumalabas na nagkaroon ng cargo liquefaction
01:56na naging sanhin na paglipat ng bigat ng karga
01:58kasabay ng hindi magandang kondisyon ng panahon nung mga oras na iyon.
02:02Samantala, magbibigay ang Department of Migrant Workers o DMW
02:05ng Psychosocial Interventions sa mga nailigtas na crew.
02:09Bernard Ferrer para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments