00:01Magandang umaga, narito na ang PTV Balita ngayon.
00:05Ginaganap ngayong araw sa Centennial Arena sa lawag City, Locos Norte,
00:09ang pagbubukas ng PBBM Gabay ng Bayan Programs o Programa para sa Buti ng Bayan at Mamayan.
00:17Galing, access, batid at angat tungo sa yaman ng bayan.
00:20Sa pangunan ni Locos Norte First District Representative and House Majority Leader Sando Marcos,
00:26ilulunsad ang mga programang Bagong Pilipinas Merit Scholarship Program.
00:30Patuloy ng Edukasyon at Patuloy ng Pag-ahon Program, CHED Tanao at Project Balay.
00:36Layan itong palakasin ang access at legalidad ng edukasyon sa bansa sa ilalim ng Bagong Pilipinas.
00:42Maliban sa mga ito, manunumpadin ng mga guru na napromote dahil sa Expanded Career Progression Promotees
00:48ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
00:52Sa ibang balita, dumating na sa Sandigan Bayan bago mag-alas 8 nitong umaga si dating Sen. Bong Revilla Jr.
00:58kasama ang mga kapwa akusado sa kasong malversation of public funds
01:03kaugnay ng umano'y ghost flood control projects sa Pandi Bulacan.
01:06Mula sa pingitan sa New Quezon City Jail Mail Dormitory sa Payatas,
01:11dinala si Revilla ng isang coaster ng BJMP patungon sa Sandigan Bayan
01:15kasama ang kapwa detainee na sina Bryce Hernandez, JP Mendoza, RJ Dumasig at Juanito Mendoza.
01:22Kung saan mahigpit ang pagbabantay ng mga tauhan ng BJMP sa dating Senador.
01:26Gaya ng iba pang akusado at nakakulong, nakasuot din si Revilla ng dilaw na detainee's shirt
01:31at nakaposas din na dumating sa korte.
01:35Nasa lugar din ang asawa niyan si Rep. Lani Mercado at ang anak na si Rep. Jolo Revilla.
01:41Nagsimula ang arraignment at pretrial kaninang alas 8.30 ng umaga
01:45para sa kasong malversation na non-bailable.
01:49At inaasahan tatalakayan din ito o dito ang mosyon ng kampo ni Revilla
01:53na mailipat siya sa PNP Custodial Center.
01:57Samantala, asahan ang dagdag bawas sa presyo ng mga produktong petrolinggo.
02:03Sa panayam ng Rise Engine, Pilipinas,
02:05sinabi ni Department of Energy Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero
02:10na posibleng tumaas ng limang sentimo ang kada litro ng gasolina.
02:15Tataas naman ng 80 centavos ang kada litro ng diesel
02:19habang 45 centavos ang dagdag sa presyo ng kada litro ng kerosene.
02:23Ang oil price adjustments ay bunso ng pagbawi ng bantanang Estados Unidos sa Greenland,
02:29gera sa ibang bansa at pagkawang demand sa langis.
02:35Sa ibang balita, pinungunahan ni San Juan City Mayor Francis Zamora
02:39ang flag-raising at wreath-laying ceremony
02:41sa 127th anniversary ng unang Republika ng Pilipinas
02:45na itinatag sa Malolos, Bulacan noong January 23, 1899.
02:49Alas 8 ng umaga ng isagawa ng seremonya.
02:53Kasama ng seremonya, ang inang opisyal ng gobyerno,
02:55pati na si Bulacan Governor Daniel Fernando.
02:58Ang First Philippine Republic ay itinatag matapos mabuo
03:00ang Malolos Constitution noong 1899.
03:03Sa pamagitan ng itinatag na First Philippine Republic,
03:06pinalitan nito ang revolutionary government
03:08ni President Emilio Aguinaldo noong June 18, 1899.
03:12Pagkatapos iproklama ang Philippine independence
03:15mula sa pananakop ng Espanya noong June 12, 1898.
03:19At yan ang mga balita sa oras na ito
03:23para sa ipapang-update si Falo
03:24at ilike kami sa aming social media platform sa PTVPH.
03:28Ako po si Joshua Garcia
03:29para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.