00:00Plano maglatag ng mga hakbang ang Banko Sentral ng Pilipinas para mas mapalawak pa ang pagkakataon ng mga gustong magnegosyo sa Pilipinas.
00:08Ilan lang ito sa mga paraan para mapalago ang ekonomiya ng bansa.
00:12Nagpabalik si Clay Saupardiria.
00:16Dalawang bagong coffee shop ang bubuksa ng kumpanya ni Kyrie sa Quezon City.
00:22Magdaragdag din sila ng mas maraming blend at flavor ng kape dahil sa lakas ng demand.
00:27Ilang servings? Sino natin nasa-sell mo every day?
00:30On the average, mga siguro per day, hindi bababa ng 50. Madami na din.
00:37Tapos kapag malakas?
00:39Siguro nasa 70s, 80s. Since yung coffee namin is affordable and in terms of sales, okay din since madami talagang tao na tumatangkilik sa kape.
00:55Mas lalawak pa ang oportunidad sa mga nais magnegosyo sa bansa.
01:00Ito ang inaasahan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa susunod na dalawang taon.
01:08Sa pakikipagpulong ng presidente sa Banko Sentral ng Pilipinas,
01:12Inilatag ng BSP ang mga hakbang na maghikayat sa pagpapalago ng negosyo,
01:18kabilang ang pagbawas ng Monetary Board sa Interest Rate Policy ng Bansa.
01:23Mula 4.75% noong October 2025, ginawa na itong 4.5%.
01:31Ang ibig sabihin niyan, mas maliit ang ipapatong na interes sa mga pautang.
01:37Ang resulta, mas abot kaya ang paglo-loan sa banko para makapagsimula o magpalaki ng negosyo.
01:44Binabaan din ang 0.25% ang interes sa lending rate at overnight deposit.
01:52Taya ng BSP, magiging banayad ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang-anim na buwan ng 2026,
01:59bago tuluyang umarangkada sa 2027.
02:03Ganito rin ang nakikita ng World Bank.
02:05Inaasahan kasi ang paglobo ng private consumption.
02:08Kung mananatiling mabagal ang inflation, matatag ang employment at mababa ang singil sa mga pautang.
02:17Mahigpit na binabantayan ng pamahalaan ang paghina ng piso kontra dolyak.
02:23Hindi anyahahayaan ni Pangulong Marcos na lumagapak sa 60 pesos ang palitan sa piso.
02:29Mas nakatoon po ang BSP sa pagpigil sa labis na paggalaw ng halaga ng piso
02:34kaysa sa pagtatakda ng tiyak na antas ng palitan.
02:38Sa tingin po ng Pangulo, hindi po magiging maganda na tumaas pa ang palitan na hindi pa pabor sa piso.
02:45Pag tumaas po kasi ng 60 pesos, bumaba yung value ng piso.
02:48Definitely, mag-i-increase yung debt natin because yung palitan po, tataas po yun.
02:54Ipinaliwanag naman ng palasyo na dulot ito ng kakulangan sa balanse ng kalakalan at pananalapi.
03:00Pero hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas nito, kayo din ang iba pang bansa sa Asia.
03:06Kalaizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments