Skip to playerSkip to main content
Pandarambong at katiwalian ang ilang akusasyon laban kay Vice President Sara Duterte sa reklamong inihain ni Dating Senador Antonio Trillanes IV at isang grupo. Ang hiling nila sa Ombudsman imbestigahan ang bise at sampahan ng impeachment complaint. May report si Maki Pulido.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pandarambong at katiwalian ng ilang akusasyon laban kay Vice President Sara Duterte
00:05sa reklamong inihain ni dating Sen. Antonio Trillanes IV at isang grupo.
00:11Ang hiling nila sa ombudsman, imbistigahan ang vice at sampahan ng impeachment complaint.
00:16May report si Maki Pulido.
00:20Bit-bitang bungkos na mga dokumento nagtungo sa ombudsman si dating Sen. Antonio Trillanes IV
00:26kasamang civil society group na The Silent Majority
00:30para maghain ng mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.
00:35Hiningi ng mga complainants na mag-imbestiga ang office of the ombudsman
00:39at pagkatapos ay maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:45Guit ng grupo, guilty si Duterte sa malversation of public funds, graft and corruption, bribery at plunder
00:53dahil sa maanumalya umunong paggamit ng P650 million pesos na halaga ng confidential funds
00:58noong kalihim pa siya ng DepEd at bilang Vice President.
01:03Nakakabit sa reklamo ang salaysay ni Ramil Madriaga,
01:06ang nagpakilalang dating civilian intelligence agent ng BICE
01:09at ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:12at nagsabing naghatid siya ng pera mula sa confidential funds sa ilang individual,
01:18alinsunod sa utos daw ng BICE.
01:21Nilustay din umano ni Duterte ang mahigit P2.7 billion pesos na confidential funds
01:26noong alkalde pa siya ng Davao City.
01:29Ipinunturin ng grupo ang inilabas ng Commission on Audit na Notice of Disallowance
01:34dahil sa posibleng mali o sobrang paggamit ng DepEd ng pondong aabot sa P12 billion pesos.
01:41Halos P7 billion pesos din daw ang umano'y unliquidated cash advances
01:45o hindi na ipaliwanag na gastos ng ahensya.
01:49May higit P15 billion pesos din umanong pondo ang DepEd na hindi nagamit
01:53na nakalaan para sa iba't ibang proyekto gaya ng pampatayo o pagkumpuni ng classrooms.
01:59Binanggit din ang grupo ang umano'y overpriced na laptop sa DepEd.
02:04Guilty rin daw si Duterte ng bribery and culpable violation of the Constitution
02:09dahil sa mga hindi maipaliwanag na yaman.
02:12May P2.4 billion pesos umanong nakadeposito sa bank account ni Duterte
02:16kung saan ka-joint account ang kanyang amang si dating Pangulo Rodrigo Duterte
02:21at asawang si Atty. Manances Carpio.
02:24Ang mga bank deposit na ito at iba pang investments
02:27hindi raw idineklara sa Sal N. ni Duterte.
02:30Pagkal binuksan yung bank accounts
02:33o galing man lang dun sa mga flagda transactions ng AMLOC
02:38eto na hindi na nila maitatanggi.
02:41Dati rin daw tumanggap si VP Sara at kanyang mga kaanak ng Suhol
02:46mula sa ilang kilalang umano'y drug personalities.
02:49Basihan naman para sa reklamong betrayal of public trust at other high crimes
02:54ang pagbabantaan nito sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
02:58Pinapakita ng complaint na ito na una
03:01ang kabuoang halaga ng mga nilimas o niwaldas ni Sara Duterte
03:07ay maihahanay sa mga pinakamalalaking flood control scandal.
03:13Hinihingi pa namin ang pahayag ni Vice President Duterte
03:16at ang Office of the Vice President
03:18pero wala pa silang tugon.
03:20Pero dati nang sinabi ni Duterte
03:21wala siyang personal na relasyon kay Madriaga.
03:24Dati na rin niyang itinanggi
03:26na may mali sa paggastos ng Office of the Vice President
03:29at DepEd sa confidential funds.
03:32Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended