Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nanawagan si datang Sen. Antonio Trillanes IV at isang grupo sa Ombudsman na aksyonan ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.
00:09Inakusahan nila ang vice-presidente ng Pandarambong at Katiwalian.
00:14Saksi, si Maki Pulido.
00:18Sa inihayang reklamo sa Ombudsman ni na datang Sen. Antonio Trillanes IV at civil society group na The Silent Majority laban kay Vice President Sara Duterte,
00:28Inakusahan nila ang vice ng plunder, malversation of public funds, graft and corruption, bribery and culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust at other high crime.
00:41Hiningi ng mga complainants na mag-imbestiga ang Office of the Ombudsman at pagkatapos ay maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:51Ayon sa reklamo, guilty raw si Duterte ng graft and corruption, bribery at plunder dahil sa di umano'y maanumalyang paggamit ng P650M na kabuang halaga ng confidential funds nung kalihim pa ng DepEd at bilang Vice President.
01:07Naka-attach dito ang salaysay ni Ramil Madriaga, ang nagpakilalang dati umano'ng civilian intelligence agent ni Duterte at ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte
01:18at nagsabing naghatid umano siya ng pera mula sa confidential funds sa ilang individual sa utos ng vice.
01:25Nilustay din umano ni Duterte ang higit 2.7 billion pesos na confidential funds nung mayor siya ng Davao City.
01:34Lumobo raw ang halagang ito mula 2010 hanggang 2022.
01:39Nung kalihim din daw si Duterte ng DepEd, 12 billion pesos ang inisuhan ng Commission on Audit ng Notice of Disallowance dahil sa posibleng mali o sobrang paggamit ng pondo.
01:49Maliban dyan, bilang kalihim, halos 7 billion pesos ang di umano'y unliquidated cash advances o hindi na ipaliwanag na gastos ng ahensya.
02:00Kung may hindi maipaliwanag na gastos, ayon sa mga complainants, may higit 15 billion pesos din na pondo ang DepEd na hindi nagamit sa halip na naipatupad ang iba't ibang proyekto.
02:12Sinita pa raw ng COA ang hindi nagamit na pondong sanay na ipampatayo o pinangrepair ng mga classroom.
02:17Dahil dyan, ayon daw sa COA, 192 classrooms lang daw ang naipatayo ng DepEd samantalang 6,000 target at 208 classrooms lang ang na-repair sa target na higit 7,000.
02:318 billion pesos din umano'y halaga ng overpriced na laptop nung kalihim si Duterte ng DepEd.
02:38Sabi ng mga complainant, guilty rin si Duterte ng bribery and culpable violation of the Constitution.
02:44Ayon sa reklamo, may hindi raw maipaliwanag na kayamanan si Duterte.
02:49May 2.4 billion pesos umanong nakadeposito sa bank account ni Duterte kung saan ka-joint account ang kanyang amang si dating Pangulo Rodrigo Duterte at asawang si Atty. Manases Carpio.
03:01Ang mga bank deposit na ito at ibang ari-arian, hindi rin daw idineklara ni Duterte sa kanyang Assets of Statements and Liabilities o SAL-EN.
03:10Pag binuksan yung bank accounts or galing man lang doon sa mga flagged transactions ng AMLOC, ito na hindi na nila maitatanggi.
03:21Tumanggap din umano si Vice President Duterte at kanyang mga kaanak ng Suhol mula sa ilang kilalang umano'y drug personalities nung mayor siya ng Davao City.
03:31Ayon pa sa inihaing reklamo, guilty si Duterte ng betrayal of public trust at other high crimes.
03:38Isang basihan umano rito ay nang pagbantaan niya ang buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
03:43Pinapakita ng complaint na ito na una, ang kabuoang halaga ng mga nilimas o niwaldas ni Sara Duterte ay maihahanay sa mga pinakamalalaking flood control scandal.
03:58Nagsimula yung nakawan nung mayor pa lang siya.
04:01Sana naman daw, sabi ni Trillanes, aksyonan na ng ombudsman ang reklamo laban kay Duterte.
04:06Nauna pa raw sampahan ng ombudsman sa Sandigan Bayan, si dating Sen. Bongribilla,
04:11samantalang noong nakaraang taon pa may nakahain ng reklamo laban kay Duterte.
04:15Last year pa ito sa Quadcom, hindi pa umuusan. Itong kay Sen. Bongribilla, linggo lang ang binilang, 90 million ang halaga.
04:27Hinihingi pa namin ang pahayag ni Vice President Duterte.
04:31Sinubukan din namin kumuha ng pahayag ng Office of the Vice President pero wala pa silang tugon.
04:36Pero dati nang sinabi ni Duterte na wala siyang personal relationship kay Madriaga,
04:41hindi rin daw siya nagbigay ng anumang utos dito at hindi raw niya ito nakausap kailanman.
04:46Dati na rin niyang itinanggi na may mali sa paggastos ng Office of the Vice President at DepEd sa confidential funds.
04:53Para sa GMA Integrated News, ako si Maki Pulido, ang inyong saksi.
Comments