Skip to playerSkip to main content
Bukod sa pagkilala, dinagdagan pa ang insentibo para sa mga atletang nagkamit ng medalya sa nakaraang Southeast Asian Games.
Hanggang P300,000 ang dagdag ayon sa pangulo.
Nakatutok si Bernadette Reyes.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bukod sa pagkilala, dinagdagan pa ang insentibo para sa mga atletang nagkamit ng medalya sa nakaraang Southeast Asian Games.
00:08Hanggang 300,000 piso ang dagdag ayon po yan sa Pangulo.
00:14At nakatutok si Bernadette Reyes.
00:19Isang buwan na mula ng humakot ng 277 medalya ang mga atletang Pilipino sa 33rd Southeast Asian Games o SEA Games.
00:28Hindi man ito ang pinakamaraming nauwi ng Team Pilipinas sa kasaysayan, makasaysayan pa rin ang panalo ng mga Pinoy sa edisyong ito.
00:37Mula sa Pilipinas Women's Football Team, Alas Pilipinas Beach Volleyball, Gilas Basketball Team, hanggang sa mga pinakita ni na Alex Ayala, Kyla Sanchez, Yumir Marshall at iba pang mga atleta.
00:51Kaya hindi lang sila binigyan pugay ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang pagtitipon kanina.
00:56In-anunsyo rin ng Pangulo ang dagdag insentibo para sa mga 2025 SEA Games medalist bukod sa dati ng insentibo na itinakda ng batas.
01:07Dagdag na 300,000 pesos sa mga naka-gold, 150,000 pesos kung naka-silver at 60,000 pesos kung naka-bronze.
01:17May tik-10,000 pesos rin ang mga atletang nanalo sa ibang palaro bukod sa SEA Games.
01:22Binigyan rin sila ng presidential citation.
01:24Batid natin walang katumbas na halaga ang inyong sakripisyo.
01:31Ngunit, tanggapin ninyo ito bilang simbolo ng pagpupugay at pasasalamat na ayos kong bigyan din ang kahalagan ng disiplina.
01:41Ang disiplina ay hindi lamang susi sa panalo sa loob ng arena.
01:45Ito ay umuhubog sa ating pagkatao ang mamuhay ng may layunin, magsikap ng may kahulugan, at mangarap ng mga malinaw na direksyon.
01:58At dahil isinusulongan niya ng administrasyon ang pag-angat ng kalidad ng sports development,
02:03pinapalawak pa ang grassroots at new sports program, at dinadagdagan ang mga sports facilities.
02:11Ayon sa Philippine Sports Commission, naniniwala silang ang karagdagang insentibo mula sa Office of the President
02:18ay magsisilbing motibasyon sa mga atleta, lalo't may mga paparating pang kompetisyon,
02:23tulad na lamang ng gaganaping Asian Games sa Ichi Nagoya sa Japan.
02:28Talagang sana lalong mag-pursigay yung mga atleta natin, lalo na parating na yung Asian Games.
02:35Importante yun, mahigitan natin yung four goals.
02:38Masaya po dahil may extra bonus pa, and then mas nakakapagbigay po yun ng inspirasyon para sa aming mga atleta.
02:48I'm just really grateful that, you know, it's really obvious na he shows so much support for our athletes,
02:54so I'm really grateful to be a part of that.
02:56Sobrang saya ng team at saka sobrang saya ako po kasi first time po nakuha ko po yung gold medal at saka first po gold medal ng Whitley team.
03:07Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatuto, 24 Horas.
Comments

Recommended