Skip to playerSkip to main content
  • 7 months ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong January 21, 2026


- Weather Update: Tuloy-tuloy ang paghina ng Bagyong Ada
- DPWH Sec. Dizon kay Curlee Discaya kaugnay sa restitution: "Medyo makapal din naman talaga ang mukha" | Asst. Ombudsman kay Curlee Discaya kaugnay sa restitution: "Mali at malaking kalokohan na tawaging "pagnanakaw" ang pagbabalik ng ninakaw"
- Rep. Edgar Erice: Basura ang inihaing impeachment complaint laban kay PBBM | Base sa House Rules, dapat maaksyunan ng Office of the House Speaker ang impeachment complaint sa loob ng 10 session days | Atty. De Jesus, itinangging kaya niya inihain ang impeachment complaint ay para maprotektahan si PBBM sa pamamagitan ng one-year bar rule | House Committee on Justice: Hangga't hindi pa namin hawak ang impeachment complaint, maaari pang may ibang maghain ng mas matibay na reklamo | Sen. Imee Marcos sa impeachment complaint vs. PBBM: "Isa na namang drama series na mukhang tatagal nang isang taon" | Malacañang: Hindi nababahala si PBBM sa impeachment complaint dahil alam niyang wala siyang ginawang impeachable offense |
Malacañang, itinangging binuo ang ICI para protektahan ang mga tiwaling kaalyado ng Pangulo
- VP Duterte, tinawag na fundraising ng ilang kongresista ang posibleng paghahain ng bagong impeachment complaint laban sa kaniya


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00Good news mga kapuso dahil tuloy-tuloy na ang paghinaan ng bagyong ada.
00:20Daan na mataan po ng pag-asa ang bagyong mahigit 1,000 km silangan po yan ng northern zone.
00:25May lakas yan na 55 km per hour at pagbugsong naabot naman sa 70 km per hour.
00:31Kumikloss po si ada pa east-southeast sa beli sa 20 km per hour.
00:36Sa pinakabagong datos ng pag-asa, tuloy ang hihina bilang isang low-pressure area ang bagyong ada sa mga susunod na oras dahil po sa hanging amihan.
00:45Kalaunan ay malulusaw ito.
00:46At good news pa, wala nang epekto sa bansa itong si ada.
00:50Hanging amihan na nakaapekto at magpapaulan sa ilang lugar, pantikura na po sa luzon.
00:55Dahil sa amihan, maalong ngayon at delikano naman para sa malilit na sakayang pandagat ang pumalaot sa mga dagat na sakop ng Batanes.
01:02Kagayan, kasama po dyan ang Baboyan Islands, Isabela at sa ilang baybayin ng Ilocos Provinces.
01:07Kaninang alas-dos naman na madaling araw na itala po sa Baguio City ang 14.8 degrees Celsius na lamig,
01:1418.7 degrees Celsius naman sa Basco Batanes,
01:1719.6 degrees Celsius naman po sa Tanarizal,
01:2020.4 degrees Celsius sa Tugigaraw, Cagayan,
01:23habang 23.3 degrees Celsius dito sa Quezon City.
01:27Paalala po mga kapuso, stay safe and stay updated.
01:31Ako po si Anzo Pertiera.
01:32Know the weather before you go.
01:34Parang mark safe lagi.
01:36Mga kapuso.
01:37Malag si DPW Secretary Vince Dyson sa sinabi ng kontatistang si Curly Discaia,
01:50kaunay sa restitution o pagsasuli ng pera sa kabanang bayan.
01:56Kung magkano po ang eri-restitute po muna namin?
01:58Ano sabi nila? Magkano daw?
02:00Ako po, hindi ko po masabi kung magkano po.
02:03Kasi para sa akin po, parang kami po ang nanakawan.
02:05Parang ibig sabihin, parang modern day na pag nanakaw,
02:08ibig sabihin yung nakaw ba, siya pa ang magbibigay ng pera.
02:11Medyo makapal din naman talaga ang mukhaan itong si Curly Discaia.
02:15Eh, kitang-kita namin lahat ang ebidensya gabag sa kabila.
02:19Tapos ang lakas pa ng loob na nagsabi, siga pa ang nanakawan.
02:23Bukod kay Dyson, sumagot din si Assistant Ombudsman Miko Clavano kay Discaia.
02:28Sabi ni Clavano, hindi lang pera ng taong bayan ang nawala sa questionabling flood control projects,
02:34kundi pati kaligtasan ng mga Pilipino.
02:37Kaya mali at malaking kalukuan anya na tawaging pagnanakaw,
02:41ang pagbabalik ng ninakaw.
02:44Taong bayan daw ang unang ninakawan,
02:47kaya ang pagsasoli ng pera ay hindi pangingikil, kundi pananagutan.
02:51Dokumenta ang kampo ni Discaia ng tanungin tungkol sa mga pahayad ni Nadizon at Clavano.
02:58Ginit ng House Committee on Justice,
03:01anggat hindi pa na ipapadala sa kanilang impeachment complaint na iniahain laban kay Pangulong Bumbo Marcos,
03:07maaari pang may ibang maghain ng mas matibay na reklamo.
03:11Pinabulaan na naman ang Malacanang na pakawala nila ang abogado na nagsampa ng impeachment complaint
03:16para maprotekta ng Pangulo sa pamagitan ng one-year bar rule.
03:21May unang balita si Tina Panganiban Perez.
03:23Ang kauna-unahang impeachment complaint na iniahain laban kay Pangulong Bongbong Marcos,
03:31basura kung ilarawan ni House Senior Deputy Minority Leader at Kaloocan Representative Edgar Erize.
03:37Yung sinampa niya na impeachment complaint ay basura.
03:4215 pages na walang mga ebidensya kundi mga news article.
03:47Wala ito sa forma at walang substance yung kanyang final na impeachment complaint.
03:52Kung ako ang boboto sa Committee on Justice,
03:57hindi ako magdadalawang isip na i-dismiss ito.
03:59Hindi tulad sa impeachment complaint na inihain noon laban kay Vice President Sara Duterte,
04:05ang reklamo laban sa Pangulo ay daraan sa pagdinig ng Justice Committee,
04:11alinsunod sa dati ng nailatag na rules on impeachment ng Kamara.
04:15Because this is filed by a private individual, endorsed by a House member.
04:19Sa ngayon, kailangan muna itong ipasa ng House Secretary General sa Office of the Speaker.
04:25Hinihingan pa namin ang kumpirmasyon ng SecGen kung nagawa na ito.
04:30Kasunod niyan, dapat aksyonan ang reklamo sa loob ng 10 session days.
04:35Pagkatapos ay saka lamang magkakaroon ng tatlong araw ang plenario para i-transmit ito sa Justice Committee.
04:42Ang pag-refer ng reklamo sa Komite ang hudyat ng pagsisimula ng one-year bar rule.
04:48At kung madismiss ang reklamo sa Komite, ligtas na mula sa iba pang impeachment complaint ang Pangulo sa loob ng isang taon.
04:57Kaya si Erice, pinagdududahan ngayon ang abugatong naghain ng reklamo
05:01at ang nag-endorso nitong si Pusong Pinoy Partialist Representative, Jet Misay.
05:07Is identified with the Garcias who are known stalwarts of the NUP.
05:15At yung NUP mismo, sinabi nila na hindi sila papayag sa mga impeachment laban sa Pangulo.
05:24Wala pang tugon sa pasaring ang National Unity Party at si Misay.
05:29Ang abugado naman naghain ng impeachment complaint.
05:32Itinangging ginawa niya lang ito para gumulong ang one-year bar rule
05:36sa baygiit na hindi mahina ang inihain niyang reklamo.
05:40I have evidence, it was attached to the complaint.
05:44It is without prejudice to further evidence that might be produced later on.
05:47Gigit niya, hindi siya maka Marcos at hindi rin maka Duterte,
05:52bagamat may isa siyang hinawakang kaso ng partido ng dating Pangulo.
05:56How could I be pro-Marcos when in May of 2022,
06:04I actually was one of the lawyers that filed the case before the Commission on Elections
06:11to have the Duterte block of PDP Laban declared as the legitimate PDP Laban?
06:18Ayon sa komite, hanggat wala pa silang hawak,
06:21ay hindi pa gumugulong ang one-year bar rule.
06:24At maaari pang may ibang maghain ng mas matibay na impeachment complaint.
06:28If ever there will be subsequent complaint like what you said
06:33by another group against the President, no?
06:37Kung mag-aabot ito right before the referral to the Justice Committee,
06:47yes, perhaps it can be consolidated.
06:49Nagbigay komento rin ng kapatid ng Pangulo na si Senator Aimee Marcos.
06:54Isa na naman drama series na mukhang tatagal ng isang taon.
06:59Bumento na yun sa pakilya.
07:02Ang palasyo, hindi na raw gusto magkomento saan nila yung mga kwentong walang basihan at puro pahiwati.
07:09Sa ngayon, wala pa raw nakukuhang kopya ang Pangulo ng isinampang impeachment complaint.
07:15Wala rin ginagawang anumang paghahanda ngayon ang kanyang legal team.
07:18Hindi naman po siya nababahala dahil alam po niya na wala siyang ginawa na impeachable offense
07:25na maaaring masabi na siya ay dapat managot.
07:27Kaugnay naman sa lumutang na spekulasyong pakawala ng Pangulo,
07:31ang abogadong naghain ng reklamo.
07:34Dahil dati na ito naghain ng disbarment case laban sa isang personalidad na critical
07:39kay First Lady Lisa Araneta Marcos.
07:42Kung nagsampaman siya na yung disbarment case, ito ay on his own volition.
07:48So, hindi po niya nire-represent ang unang ginang.
07:51So, that's fake news.
07:53Kahit sino pa po ang nag-file niyan,
07:55hindi maganda sa imahe ng Pangulo na siya ay masampahan ng impeachment complaint.
08:00Hindi rin po ito maganda sa pananaw ng mga ekonomista sa ating ekonomiya.
08:06Marinding pinabulaanan ng palasyo ang isa sa mga ginamit na basehan sa impeachment complaint
08:11na nilikha umano ang ICI para protektahan ang mga tiwaling kaalyado.
08:17Inihalimbawa pa nga ang kalyansa ng Pangulo noong nakaraang eleksyon.
08:22Sabi niya malungkot siya dahil nakasama niya ito sa kalyansa.
08:26At kaibigan niya si Sen. Bongregilia.
08:29Pero ganun pa man, proseso pa rin naman na nai.
08:32Kung sakali ang anak ng Pangulo na si House Majority Leader Sandro Marcos
08:37ang kukumpa sa pag-usad ng reklamo sa Kamara.
08:41Kung ano po ang mandato ni Congressman Sandro, ipatupad niya po yun.
08:46Wala dapat siyang kinikilingan.
08:48Kahit ama niya po ang masasabing mahalalagay dito sa impeachment complaint.
08:55Ito ang unang balita.
08:57Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
09:00May kitalawang linggo bago matapos ang one-year ban.
09:04Sinabi ni Vice President Sara Duterte na inaasahan na niyang may maghahain
09:09ng panibago impeachment complaint laban sa kanya.
09:13As expected as well, magiging katulad lang din yan noong nakaraan
09:17na ginagawang fundraising ng mga members of the House of Representatives
09:25yung pag-firma nila sa impeachment complaint.
09:30It's all about the money.
09:33Naunang sinabi ng Vice na posibleng gamitin ang 2026 National Budget
09:39para sa muling pag-ahain ng impeachment complaint.
09:43February noong isang taon nang i-deklera ng Court Suprema na unconstitutional
09:46ang ikaapat na impeachment complaint laban sa Vice.
09:50Inapila ito ng Kamara at wala pa rin pasya ang Court Suprema hanggang ngayon.
09:55Sinisika pa ng GMA Integrated News sa makuwan reaksyon ng liderato ng Kamara
09:59sa naging pahayag ng Vice.
10:01Tinanong din ang Vice tungkol sa inihayang impeachment complaint
10:04laban kay Pangulong Bongbong Marcos pero hindi siya nagkomento.
10:11Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
10:14Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments

Recommended