00:00At makibalita na tayo sa mismong kulungan kung saan ipiniit si dating Sen. Bong Revilla at mga kapwa-akusado.
00:07Doon tiniyak din ang Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na walang bibigyan ng special treatment.
00:14Nakatutok doon live si Jonathan Andas.
00:17Jonathan!
00:20Vicky, apat na oras na ngayong nakakulong si dating Sen. Bong Revilla dito po sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
00:29Kasama niya po nakakulong dito ngayon, yung apat na kapwa niya akusado doon sa mga kaso kaugnay sa milyong pisong umunoy ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
00:44Paglabas na paglabas niya sa Sandigan Bayan, ibiniyahe na agad sa kanyang kulungan si dating Sen. Bong Revilla,
00:52ang destinasyon ng konvoy sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
00:57Dito, sunod-sunod na nagdatinga ng mga anak ni Revilla.
01:02Tingin na, tingin na. Okay na yan.
01:04Sa loob ng City Jail, kinunan si Revilla ng mugshot at idinaan sa booking procedure.
01:09Binigyan din siya ng dilaw na uniform ng mga PDL o Persons Deprived of Liberty.
01:14Ganito ang itsura ng magiging kulungan ni Revilla.
01:1747 square meters ang laki.
01:20May limang bunk beds, kasha hanggang sampung PDLs.
01:23May sariling palikuran at hiwalay na shower, pero hanggang dibdib lang ang dingding para sa siguridad.
01:28Tinitiyak ng BJMP o Bureau of Jail Management and Penology, walang special treatment na ibibigay sa dating Senador.
01:35Commitment ng BJMP yan, na walang VIP treatment na mangyayari kahit kanino man hong PDL yan.
01:41Talaga hong nasa policy namin na bawal ho talaga yan.
01:45At kung may mapapatunayan na gagawa niyan, eh kakasuhan ho natin at mananagot.
01:49Bago raw ihalo si Revilla sa mga nakakulong dito, isasailalim muna siya sa medical quarantine na pwedeng umabot ng pitong araw.
01:57Sino kaya ang makakasama niya sa selda?
01:59After our assessment, titingnan po natin. But definitely hindi pwede mag-isa sa isang selda. May makakasama ho siya.
02:05Gaya ng ibang PDL, ang allowance ni Revilla sa pagkain, isandaang piso lang kada araw.
02:10Almusal, tanghalian, merienda at hapunan.
02:13Pero kung may dalaw ang kanilang dalaw, ay karapatan din naman ho nila.
02:17Basta lutong pagkain at subject to inspection ng ating mga BJMP personnel.
02:22Bawal ang sariling cellphone, laptop o anumang gadget sa loob.
02:25Kung may electronic dalaw o online hearing, may papahiram naman daw na gadget ang BJMP.
02:30Susundin din daw ni Revilla ang oras ng dalaw tuwing Martes hanggang linggo.
02:34Bukod kay Revilla, dito rin iniutos ng Sandigan Bayan na ikulong ang apat na iba pa niyang kapwa akusado sa kasong malversation at graft,
02:42kaugnay sa ghost project sa Pandi, Bulacan.
02:44Yan ay ang mga kawanin ng DPWH Bulacan First District Engineering Office na sina Assistant District Engineer Bryce Hernandez,
02:51mga engineer na sina JP Mendoza at RJ Domacig at ang accountant na si Juanito Mendoza.
02:57Kasama nilang lima ang pitong iba pang DPWH officials na ikinulong dito noong Nobyembre dahil naman sa maanumaliang flood control project sa Oriental Mindoro.
03:06Vicky, sa ngayon, labing dalawang opisyal ng gobyerno na yung nakakulong dito dahil sa flood control scandal.
03:20Kaya sabi ng BJMP ay dadagdagan nila yung security dito.
03:23Ang sabi po ng tagapagsalita ng BJMP ay sa mga oras na ito, nakasuot na po si Revilla ng BJMP Yellow Uniform
03:31at ang hapunan na inihanda sa kanila ngayong gabi, ginisang petchay. Balik sa'yo, Vicky.
03:37Maraming salamat sa'yo, Jonathan Andal.
Comments