00:00Mayan, panibagong lunes, panibagong mensahe naman ang ating pakikinggan at pag-uusapan, syempre kasama pa rin ang ating Millennial Psychologist dito lang sa All About You.
00:14Magandang araw! Ako nga pala si Rianne Portuguese, your Millennial Psychologist, and welcome sa All About You, kung saan ito ang safe space mo at pag-uusapan natin ang tungkol sa'yo.
00:24Para sa umaga na ito, pag-uusapan natin yung mismong concern ni Violet.
00:28Sabi niya,
00:30Okay lang po bang mag-ask ng advice to heal after my father has cheated on my mother?
00:37It affected my work, even some of my workmates talked behind my back about my personal issue, which eventually led to resignation.
00:48Pati mga kaibigan ng father ko po, nalaman rin.
00:51I struggled sleeping, even natatakot sa romantic love na parang ayokong maranasan ang nangyari sa aking mother.
01:00So sa ngayon, masyadong maaga para mag-declare na hindi ka na magmamahal or ayaw mo nang magmahal.
01:07Pero malinaw doon kasi sa sinasabi mo natatakot pa lang naman, hindi pa naman umabot doon sa ganung declaration, pero pwede mag-lead yun doon, ayaw ko na magmahal, kasi baka masaktan lang ako.
01:18So yung yung ganyang klaseng takot, okay yan, na nire-recognize mo.
01:23Mahalaga na ma-separate mo yung actions ng father mo doon sa identity mo.
01:29Hindi porket nag-end yung relationship nila, at ginawayin ng father mo, ay hindi ka na magkakaroon ng successful na relationship.
01:37So tandaan mo, ito din, yung cheating na nangyari na ginawa ng tatay mo, hindi mo yun ginusto.
01:43So hindi ka parte nun, hindi ikaw ang nag-decide nun, conscious decision yun ng father mo, pinili niya yun, buhay niya yun, responsibilidad niya yun, na dapat niya ma-work out sa sarili niya.
01:55So ikaw naman, as anak, ang magandang pwede mong itry, dahil nasa-separate mo yung sarili mo sa kanila, mahalaga na isipin mo maigi, pag nagkaroon ka ng clarity, sino ba yung pwede mo pwede yung suportahan.
02:07Diba kasi nasaktan ka, diba? So yung mother mo for sure nasaktan din. Baka kayong dalawa, no? Pwede kayong magtulungan, give yourself space to recover.
02:17Oo, huwag tayo maging mainipin dito, no? Hindi madali siya. Yung ganitong klaseng recovery.
02:23So bigyan mo ng panahon ng sarili. Ngayon, nahihirapan ka makatulog, diba? Na-apekto ka na din yung trabaho mo.
02:29So ibig sabihin nun, no? Malaking indikasyon na to. Strong indicator na siya, ha? Na kailangan na rin ng suporta sa mental health professional.
02:38Sama din dito, syempre, yung matuto tayo dun sa situation na to. At syempre, yung pagkatuto sa ganitong klaseng situation, hindi siya magiging madali kasi sa bawat ganitong klaseng learning,
02:48hindi naman siya mental processes lang, diba? Kasama dito, emotional process. Kaya painful itong learning na to para sa'yo, no?
02:56Pero hindi siya yung something na kailangan natin takbuhan. Talagang kailangan natin mag-go through dito sa process na to
03:01para ma-make sure natin na nandito yung kamalayan mo sa mga nangyari, hindi mo nilalayuan yung mga blind spots na, alam mo yun, na dumaan
03:11at makakatulong yun para hindi rin mangyari sa'yo sa future.
03:15Muli, maraming maraming salamat. Kung kayo ay merong klase ng concern, katulad nung ating nagsend ng question ni Violet, no?
03:24Pwede ninyong makita yung email address sa baba ng ating screen.
03:28Muli po, this is Rian Portuguese, your Melania Psychologist. Maraming maraming salamat.
Be the first to comment